Chapter 7

1265 Words
Alice Pagpasok ko pa lang sa lobby ay sinalubong na ako ng malamig pero magalang na “Good afternoon, Ma’am,” mula sa security guard. Tinanguan ko lang siya, pinipigil ang sarili ko na magmukhang anxious habang naglalakad papunta sa reception area. High ceiling, glass walls, minimalist black-and-chrome interior, sobrang sosyal ng MobTech. Para tuloy mas lalo akong ninerbiyos. “How may I help you, Ma’am?” tanong ng isa sa dalawang receptionist. Nakangiti siya, pero ‘yung tipong corporate smile na hindi man lang umaabot sa mata. “Pwede bang malaman kung saan ang office ni Mr. Lance Richardson?” tanong ko, trying my best to sound calm kahit ramdam ko ang unti-unting pag-igting ng dibdib ko. Nagkatinginan ang dalawang babae, ‘yung parang may silent conversation silang nagaganap, tapos sabay silang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa sana kung hindi lang mataas ang reception table na nakapagitan sa amin, na parang chine-check kung anong klaseng problema ang dala ko rito. “Do you have an appointment?” tanong nung isa, mas matangkad, mas mataray ang kilay. “Ah, eh, wala. But he knows na pupunta ako ngayon.” Narinig ko mismo ang pagdulas ng doubt sa sarili kong boses, at mukhang napansin nila. “Miss,” sabi nung isa, may halong pag-irap kahit nakangiti, “you should know na ang gusto mong makita ay ang CEO ng MobTech. Hindi siya basta-basta humaharap sa kahit sino without an appointment.” Napalunok ako. Ramdam ko na agad ang hirap ng sitwasyon, hindi pa nila sinasabi pero alam ko na agad ‘yung iniisip nila. May gumapang na hiya sa dibdib ko pero pilit kong pinanindigan. “Pwede bang pakisabi na nandito si Alice? Kilala niya ako,” sabi ko, forcing a small smile kahit na unti-unti na akong kinakain ng awkwardness. Ang bigat ng tingin nila, parang sinusundan ng judgment ang bawat galaw ko. “Miss,” she said again, now sounding even more patronizing, “hindi ikaw ang unang babaeng nagpunta rito na gustong makaakyat sa office ng big boss namin. And I’m really sorry to tell you, kung wala kang appointment, you can’t go upstairs.” Ayun. Hindi man nila sabihin ng diretso, pero ramdam ko ang pagmamaliit sa boses nila. Ramdam ko rin ang pagsiklab ng inis ko. Sa sinabi niyang hindi ako ang unang babaeng nagpunta rito, parang biglang may kumurot sa sikmura ko. Hindi jealousy, pero ‘yung sudden slap of reality na may sariling buhay si Lance sa mundong ‘to na malayo sa kinagagalawan namin. “Wait,” sabi ko nang mas diretso, “are you thinking na isa ako sa mga babae niya?” Bahagyang tumaas ang kilay nila, both of them and doon ko na nakita ang tunay nilang iniisip. “What else kung hindi?” sagot nung isa, mas mabilis pa sa hininga ko. May small, smug smile sa labi niya, ‘yung nakaka-trigger nang gusto mong sampalin kahit once lang for peace of mind. Sa init ng dugo ko, napapikit ako sandali. If only pwede lang lamutakin ang mukha nila, ginawa ko na. Pero umatras akong kalahating hakbang, huminga nang malalim, at pilit nagpakatatag kahit ramdam kong gusto nang kumawala ng buong attitude ko. God, Lance. Kung kilala mo talaga ako, sana naman you didn’t put me in a situation where I look like some random girl na umaakyat para lang maghabol sa’yo. Pero nandito na ako. Hindi pwedeng hindi ko maiuwi ang cellphone ko dahil ayaw kong magtaka si Mommy. Handa na sana akong magsalita ulit ngunit tumuno ang telepono. Sabay pan napatinin ang dalawa at ang babaeng nasa kanan ko ang dumampot para sagutin dahil siya ang mas malapit. "Hello, MobTech reception," sabi niya. Anak ng teteng may abala pa talaga. Hindi na muna ako nagsalita at hinintay na matapos ang babae. Pero napansin ko na tinitignan ako ng sumagot ng telepono habang sige ang pa "yes" niya sa kausap. "Okay, po." "Pwede bang tawagan mo ang opisina ni Mr. Richardson? He's expecting me, promise." Tinignan kong mabuti an dalawa pagkasabi ko non. Tumikhim ang babaeng ngayon lang ay may kausap sa telepono. "You can go upstairs. Hinihintay ka ni Sir sa 25th floor." Natigilan ako bila, hindi makapaniwala. "Are you sure?" tanon ko. "Hindi ba at sinabi mong Alice ang pangalan mo?" sagot ng babae na tinanguan ko. "Then, Mr. Richardson is really waiting for you at his office." Napalunok ako. So this is really it is. "T-Thanks," sabi ko na lang bago ako naglakad papunta sa elevator. On my way, dama ko ang tingin ng dalawang babae sa akin ngunit dedmalis na lang ako. Wala akon paki sa kung anuman iniisip nila. Nandito ako para kunin ang cellphone ko and nothing else. Pagbukas ng elevator sa 25th floor ay nag-aatubili akon lumabas. Sobrang lakas ng t***k n akin dibdib habang naglalakad. Dama ko ang tingin ng mga empleyadong seryoso dapat sa kanilang ginagawa habang nasa harap ng kanilang mga computer. "Ms. Alice?" Napatigil ako n biglang may bumanggit n pangalan ko. Palingon ko ay isang lalaking nakasalamin ang nakita ko. "Y-Yes," tugon ko. "I'm Rene, assistant ni Sir Lance. This way, please." Bahagya niyang tinuro ang daanan bago nagpatiuna. Sinundan ko siya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng pintuan na may nakalagay na "Office of the CEO". Kumatok ang lalaki bago pinihit ang doorknob. Ni hindi man lang niya hinintay na papasukin siya. "Nandito na si Ms. Alice, Sir." "Okay, you may leave." Hindi man lang nag-angat ng tingin ang lalaki at nanatiling nakatuon ang mga mata sa kung anumang sinusulat niya. Naramdaman kong nawala sa tabi ko si Rene kasunod ang pagsara ng pintuan sa likod. Nanatili akong nakatayo, hinintay na matapos ang lalaki sa kung anumang ginagawa niya. After a few minutes ay tsaka niya ako tinignan. Sumandal siya sa kanyang upuan habang nakapatong ang mga siko sa armrest bago lumabas ang isang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. "How long are you going to stand there?" tanon niya. Napalunok ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng boses niya at tingin niya. Naglakad ako palapit hanggang sa nasa tapat na ako ng kanyang lamesa. "Where's my phone?" tanong ko. "Are you in a hurry?" tanong din niya bago binuksan ang drawer at kinuha mula doon ang aking cellphone. Inunat ko ang aking kamay upang kunin yon nunit bila niyang iniiwas. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "What do you think you're doin?" tanong ko. "Ang akala mo ba ay ganon mo lang kadali na makukuha ito?" tanon din niya. "What do you mean?" "Kuya Lemuel and your Mom didn't know na sa club ka nagtatrabaho, right?" Nakataas pa ang kilay niya na akala mo ay sigurado sa kanyang sinabi. "So what?" "Should I tell them?" tanon niya kahit na alam naman na niya ang sagot. Naikuyom ko ang akin mga palad na halos bumaon na ang maigsi ko pang kuko sa aking palad. "What do you want?" diretsa ko ng tanong. "You're quick," sabi niyang nakangiti na akala mo ay nanalo na sa usapan namin. "Just tell me what you want?" "You." Walang kagatol-gatol o pag-aalinlangan man lang. "Me. What do you mean?" tanon ko pa rin, pilit pinapatata ang sarili kahit na na pakiramdam ko ay titiklop na ang aking mga tuhod. Para kasing alam ko na kung saan patungo ang usapan namin. "You'll be in my bed whenever I need you." Nanigas ang panga ko. Anong sinasabi niya? Naloloko na ba siya? "I can't help but crave you. Be mine for a year, then after that, we're done." "That's ridiculous!" I exclaimed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD