Alice
Is he seriously doing this right now?
Mabilis ko siyang tinulak, pero mas mabilis siyang bumawi, hindi man siya nagpatuloy humalik, nanatili pa rin kaming magkadikit, parang wala siyang balak bitawan ang isang pulgada ng espasyong nalikha ko.
Parang nag-lock ang buong katawan ko sa shock. Ramdam ko ang init ng hininga niya na halos sumayad sa labi ko, parang sinusunog ang hangin sa pagitan naming dalawa. Kung tutuusin ay maluwag sana, pero dahil sa kanya ay sumikip ang fitting room, pakiramdam ko wala na akong pwedeng takbuhan lalo na at siya mismo ang humaharang sa tanging exit ko.
“L-Lance, stop—” bulong ko, pero lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Sobrang hina ng boses ko, as if kahit ako natatakot marinig ang sarili kong pagtutol. Or worse, natatakot marinig niya yung totoo kong gusto.
He didn’t stop.
Of course, he didn’t.
Mas lalo pa siyang lumapit, sinasakop ang espasyo ko, dama ko ang marahan niyang pagpisil sa bewang ko na para bang kaya niyang basahin ang bawat paghinga ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, mabagal, deliberate, parang inaabangan kung kailan ako bibigay.
“Don’t pretend you don’t feel it,” bulong niya.
Low.
Confident.
May yabang na alam kong trademark niya pero this time, may halong pag-aangkin na nagpadulas sa lakas ng tuhod ko.
“Hindi dapat ‘to. Please—” umiwas ako ng tingin, pero hinawakan niya ang baba ko, magaan pero may utos, ibinalik sa direksiyon niya.
“Pero gusto mo.”
Hindi niya iyon binigkas na tanong—statement iyon.
Certain.
Convicting.
Putang ina.
Gusto ko ba?
“Hindi ko—” Bigla akong natigil nang may marinig akong mahinang kaluskos mula sa labas. Naputol ang paghinga ko. Javier. Oh god. Pwedeng siya ‘yon. Pwedeng nasa tapat lang siya ng kurtina.
“L-Lance, umalis ka na,” pakiusap ko, this time mas malakas, mas may urgency. Hindi lang takot kung hindi panic.
Pero imbes umalis, mas lalo siyang lumapit. Dumikit. Halos maramdaman ko ang t***k ng dibdib niya.
“Ayaw mo ‘kong umalis,” he murmured, right against my ear, sobrang lapit na halos gumapang ang boses niya sa balat ko.
Naglandas ang kamay niya sa aking likod, nakasunod sa zipper na inayos niya kanina. Hindi niya hinila, pero ang deliberate na pag-slide ng daliri niya doon? Sapat na para manlambot ang tuhod ko.
“Hindi ako naglalaro, love.” May diin sa huling salita niya.
May halong yabang, oo—pero may possessive na lambot na kilala ko lang sa kanya. “You called him that… love. Pero ako ang nandito ngayon.”
Napakapit ako sa braso niya, pilit itinutulak, pero halatang nanginginig ang kamay ko. Putang ina, bakit ba ako nanginginig? Takot ba? O dahil sa… kanya?
“You’re shaking,” bulong niya, nakalapat ang labi sa gilid ng leeg ko. Umangat ang balahibo ko. “Natataranta ka ba? Or is it because you want me too?”
Napalunok ako.
“Stop this, Lance,” pilit kong sabi, pero ramdam ko ring kumakain sa boses ko ang tension. “Hindi ito ang oras para sa gusto mong mangyari. We had a contract, remember? Boundaries, Lance.”
Saglit siyang natahimik. Hindi dahil napikon pero dahil parang pinag-aaralan niya ako.
“We did,” sagot niya, mababa. “Pero hindi mo kayang sabihin na wala ka ring nararamdaman."
Ngumiti siya sa akin bago nagpatuloy. “We had a contract. And you’re the one breaking it first.”
Parang may tumunog na malakas sa tenga ko. Hindi ko alam kung heartbeat ko o boses niya, pero bigla akong nabingi. "W–What? Paano—”
“You’re the one who kept looking at me,” bulong niya, mabagal, deliberate, habang unti-unting inaangat ang kamay niya mula sa zipper ko pero nananatiling nakapirmi sa bewang ko ang isa. “Kanina pa. Akala mo hindi ko napapansin? You want distance… pero ‘yung mga mata mo?” Bahagya siyang tumawa, mababa at nanunuya. “They always find me.”
“Hindi totoo ‘yan,” sagot ko, kahit ramdam ko sa dibdib ko kung gaano kahina at kaputol ang depensa kong ‘yon.
He chuckled — ungol na tawa, mas mababa sa bulong, may hila na libog at inis. “Don’t lie to me, Alice.”
Bigla niyang ini-slide ang kamay niya sa gilid ng mukha ko, mabilis pero hindi marahas, parang gusto niyang hulihin ang buong atensyon ko bago pa ako makailag. Nalaglag ang hininga ko.
“You think I kissed you dahil trip lang?” Nagsalubong ang kilay niya, nanigas ang panga, pero may init sa mata na hindi ko kayang basahin nang buo. “Dahil gusto kitang guluhin?”
Umiling siya — mabagal, siguradong-sigurado. “I kissed you because you wanted me to.”
“Hindi ko—”
“Your lips moved.”
Tumigil ang mundo ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Para bang hinihigop niya ang bawat paghinga ko. “And I felt it.”
Gusto kong lamunin ng sahig. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin sa kanyang mali siya.
Pero ang problema?
Hindi ako sigurado kung kaya ko.
“You’re confused,” dagdag niya, halos haplos ang tono. “And I’m the only one you’re honest with… kahit ayaw mong aminin.”
Bigla siyang huminto. Umatras ng kaunti — hindi para lumayo, kundi para bigyan ako ng maliit na espasyo. Para akong lumunok ng malamig na hangin, pero hindi sapat para pawiin ang init niya sa paligid ko.
“But fine.”
Tumaas ng bahagya ang dalawang kamay niya, parang sumusuko pero halatang hindi talaga. “If you say no… I’ll stop.”
Umangat ang tingin niya. Diretso. Parang isang iglap ay magkahinang na ang mga mata namin.
“Tell me you don’t want me,” bulong niya, mahina pero malakas ang impact. “Sabihin mo nang diretso. Look me in the eye and say it.”
Nanuyo ang lalamunan ko.
Literal na hindi ko maigalaw ang dila ko.
Parang kinadena ang boses ko sa dibdib.
“Alice…”
May halong pagod, halong pagnanasa, at halong arrogance ang tono niya.
Parang nanadya ang universe dahil may mabilis na kaluskos sa labas.
Papalapit. Dumiretso. Parang humihinto sa tapat ng pinto.
Nanlaki ang mga mata ko. “Lance, please, lumabas ka na—”
Hindi ko na natapos.
“Love? Are you done? Can I see you?”
Boses ni Javier.
Parang biglang nawala ang oxygen sa fitting room.
At ang unang naramdaman ko… ay ang biglang paghigpit ng hawak ni Lance sa bewang ko.