Lance Sa loob ng meeting room, ramdam ang bigat ng hangin na parang kulang ang oxygen. Napapalibutan ako ng PR at Marketing department’s key people, lahat tahimik, lahat alerto. May nakabukas na laptop sa harap nila, may charts sa screen, pero wala ni isa ang may lakas ng loob na unang magsalita. Mainit ang ulo ko. Nagsisimula nang mag-trend ang issue online. Isang customer na nagrereklamo tungkol sa upgraded mobile phone model ng MobTech. Isang reklamo lang, oo. Pero sapat na para sirain ang brand image kung pababayaan. “Ano ang plano niyo rito?” galit kong tanong, diretso at walang paligoy. “Last week ko pa ‘to sinasabi sa inyo. Binalaan ko na kayo. So bakit nag-escalate pa?” Walang agad sumagot. Hanggang sa bahagyang umusog si Zoey, ang PR Head. Kita sa postura niya ang pag-iingat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


