Chapter 18

1368 Words
Alice Parang may kung anong mabigat na nakapatong sa dibdib ko habang nakaupo ako sa harap ni Javier. Pilit akong humihinga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko mapigilan ang nerbyos na gumagapang sa buong katawan ko—mula sa nanginginig kong mga daliri hanggang sa naninikip kong lalamunan. Pakiramdam ko, may mangyayaring hindi ko kontrolado. At mas kinakatakutan ko ‘yon kaysa sa mismong sasabihin ko sana sa kanya ngayong gabi. Mahal ko si Javier. Totoo ’yon. Hindi ko kailangang magpanggap or magsinungaling sa sarili ko. That's why napakahirap para sa akin ang patuloy siyang lokohin. Nagsimula kami bilang magkaibigan. Hindi kami agad naging close. May distansya. May hiya. May mga usapang minsan lang, minsan awkward pa. Pero sa bawat simpleng kamustahan, sa bawat late-night chat na walang malisya, unti-unti… nahuhulog na pala ako. Hindi ko namalayan kung kailan, basta isang araw, mahal ko na siya. Masakit man, pero kailangan kong gawin. I need to breakup with him Pero hindi sa ganitong pagkakataon. Hindi ko siya kayang saktan sa harap mismo ng sarili niyang ina. “Y-your mom is coming too?” tanong ko, pilit kinokontrol ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig na ito. “Yes,” sagot niya, kalmado, halos casual. “May problema ba?” Parang sinuntok ang sikmura ko sa tanong niya. Kung alam mo lang, Javier. “W-wala naman,” mabilis kong sabi, sabay pilit na ngiti. “Nagulat lang ako kasi biglaan.” Agad niyang inintindi. Kita ko sa mga mata niya ang pag-unawa—parang naalala rin niya kung gaano siya kinabahan noon nang ipakilala ko siya kay Mommy. Hanggang ngayon nga, ramdam ko pa rin na hindi pa siya ganap na tanggap. May distansya. May pag-aalinlangan. At ngayon, ako naman ang haharap sa nanay niya. Ang babaeng alam kong mahal na mahal niya. Ang babaeng siguradong may sariling pamantayan. Ngumiti siya at marahang pinisil pa ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Hindi niya iyon binitawan. Mainit ang hawak niya—steady, siguradong-sigurado. Para bang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ako nag-iisa sa laban na ’to. “I’m here,” mahina niyang sabi. “You have nothing to worry about.” Pilít akong ngumiti pabalik. Pero sa sobrang kaba, hindi ko napigilang bawiin ang kamay ko. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil lalo lang akong nanginginig kapag hinahawakan niya. Napansin ko ang pagtataka sa mga mata niya, ang bahagyang kirot na mabilis din niyang tinago. Hindi na niya iyon binigyang pansin. Mas pinili niyang intindihin ako kaysa kuwestiyunin. Maya-maya, tumunog ang cellphone niya. Sinilip niya ang screen bago ngumiti. “Mom’s here,” sabi niya. Nanigas ang buong katawan ko. Parang biglang lumamig ang paligid kahit may warm lights sa restaurant. “Hey,” mahinahon niyang sabi, sabay lapit sa akin. “Relax, love.” Hindi ko napigilang irapan siya. “Easy for you to say…” sagot ko, nakanguso, pilit tinatago ang takot sa biro. Tumawa siya, yung klase ng tawa na alam kong para pakalmahin ako. Tumayo siya at mas lumapit, hinaplos ang pisngi ko. Napatingala ako sa kanya, at sa mga mata niyang iyon, wala akong nakitang duda. “Don’t worry,” bulong niya. “Whatever happens, kakampi mo ako.” Nginitian ko na lang siya, pilit pinapanatag ang sarili ko—at siya na rin. Pero sa totoo lang, ang higit na mas nakakakaba sa akin ay ang totoong dahilan kung bakit ako sumama sa kanya rito. Isang bagay na alam kong hindi ko magagawa… hindi kung narito ang kanyang ina. Bumalik si Javier sa upuan niya at biglang tumingin sa bandang likod ko bago nagtaas ng kamay, parang may sinenyasan. Napapihit ako nang bahagya at doon ko siya nakita—ang babaeng palapit sa amin. May edad na, pero halatang elegante. Naka-terno siyang cream na blouse at pencil-cut na skirt na saktong-sakto ang fit—hindi pilit, pero ramdam mong mamahalin. Tinernuhan niya iyon ng itim na high heels at isang structured na itim na handbag na may cream lining sa bawat gilid. May scarf na nakapulupot sa leeg niya, dagdag sa aura niyang commanding. Naka-pusod ang buhok niya—malinis, pulido—parang principal o college professor. Kitang-kita rin ang kumikinang na hikaw na halos sumasabay sa bawat hakbang niya. Napalunok ako. Very intimidating. Hindi ganito ang inaasahan kong itsura ng ina ni Javier. Hindi warm. Hindi approachable. Hindi ‘yong tipong yayakap agad at magtatanong kung kumain na ba ako. Nang tuluyan siyang makalapit, agad tumayo si Javier. Automatic din akong tumayo, parang may utos ang katawan ko. “Mom, buti at nakapunta ka,” sabi niya. Napansin ko ang pilit na ngiti ng kanyang ina—manipis, kontrolado. Hindi ako nagpahalata, kahit ramdam ko na agad ang tension. “Let me introduce you to my girlfriend, Alice.” Tumingin siya sa akin saglit bago nagpatuloy. “Love, siya si Dorothy—ang mom ko.” Marahan akong yumukod, may kasamang maayos na ngiti bilang paggalang. Tinanguan lang niya ako. Walang ngiti, walang warmth—bago naupo sa upuang inurong ni Javier para sa kanya. “Since nandito na tayo,” masiglang sabi ni Javier, parang gustong basagin ang biglang bigat sa hangin, “why don’t we eat already?” At ganon nga ang ginawa namin. Nagsimula na kaming kumain, pero ako—tahimik lang. Pinapakiramdaman ko si Mrs. Smith. Ang bawat galaw niya. Ang bawat tingin. At sa bawat segundo, mas lalo kong nararamdaman— Hindi niya ako gusto. Hindi man lang niya tinatago. “So,” biglang tanong niya habang maayos na naghihiwa ng pagkain, “paano kayong nagkakilala ng anak ko?” Nag-angat ako ng tingin. Bahagyang ngumiti, saka sumulyap kay Javier bago sumagot. “Sa school din po,” maayos kong sabi. “We were friends muna… bago nagkahulugan ng loob.” Huminga ako nang malalim, parang kailangan ko ng lakas para ipagpatuloy ang gabi. “I see…” Iyon lang. Wala nang follow-up. Walang interes. “Mom,” biglang singit ni Javier, halatang hindi komportable sa katahimikan, “mahilig mag-aral si Alice. Masipag din. At higit sa lahat, mabait.” Sa sinabi niyang iyon, may kung anong kumirot sa dibdib ko. Para bang… ipinagtatanggol niya ako. Binibuild up. Parang kailangan niyang patunayan sa ina niya na worthy ako. Hindi muna ako umimik. Ayokong mag-assume. Baka mali lang ako. Baka ganito lang talaga siya. Nagpatuloy kami sa tahimik na pagkain at sa totoo lang, pakiramdam ko ay sinasakal ako. “Excuse me,” biglang sabi ni Javier, sabay tayong tinignan ng ina niya. “Magre-restroom lang ako.” Ngumiti siya sa akin—’yong ngiting parang humihingi ng permiso. Tumango ako. Siyempre. Pero nang tuluyan siyang makalayo ay hindi na nag-aksaya ng oras si Mrs. Smith. “I don’t like you for my son,” diretsong sabi niya. Walang paligoy-ligoy. Walang kunwaring bait. “Layuan mo siya.” Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin—matalim, mapanghusga—parang sanay siyang masunod. Parang hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kung tutuusin… puwede naman. Iyon naman talaga ang balak ko. Pero naalala ko kung paano ikinukuwento ni Javier ang kanyang ina sa akin. Mabait. Maunawain. Mapagmahal. Hindi iyon pambobola—ramdam kong totoo. Hindi niya kailangang gawin iyon sa harap ko. Mahal niya ang ina niya. “I already had someone arranged for him,” dagdag niya, malamig ang boses. “Hindi ang isang gold digger na kagaya mo ang nararapat para sa anak ko.” Parang sinampal ako ng salita niya. Naikuyom ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Sasagot na sana ako, handa nang ipagtanggol ang sarili ko—nang biglang may tumayo sa tabi ko. “Javier!” gulat kong sabi nang makita ko siya. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Pero hindi sa akin nakatuon ang mga mata niya. Nakatitig siya sa ina niya. “HINDI mo alam ang sinasabi mo, Mom,” mariin niyang sabi. “Walang alam si Alice sa kung sino at ano talaga ako.” Nanlamig ako. Nalito. Nataranta. Anong wala akong alam? Sino at ano talaga si Javier? Sa ilang taon naming magkarelasyon, hindi ko pa pala siya talaga kilala? Naglilihim pa rin siya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD