Maaga ngang sinundo ni Caroline at Joey si Marcus nang sumunod na araw. Alas singko ng madaling araw ay pa-Maynila na sila gamit ang sasakyan ni Joey. Dalawang araw ang convention kaya't puno ang backpack niyang dala. Sa isang hotel sa Pasay sila naka-check-in na malapit din sa convention center. "Mamaya na ang stag party ng kaibigan ko," kwento ni Joey. "Sumama ka sa amin sa club. May mga babaeng dancers doon na pwede mong i-table," suhestyon nito. "Okay na sa akin ang magpahinga sa hotel. Ilang araw na rin namang abala ako sa bukid dahil malapit na ang tag-ulan," hindi niya lantarang pagtanggi. Pero sa kulit ni Joey ay mahihirapan siyang hindian ito. "Mag-enjoy ka naman kahit minsan," muling suhestyon nito. "Malay mo doon mo makikilala ang soulmate mo." Muli siyang natawa

