Lumakad si Stacey papasok sa bahay dahil hindi niya gustong makita ang panunumbat ni Marcus sa kanya. Ang totoo'y nagseselos siya kay Caroline dahil naging mabuti ito kay Marcus at kay Athena. Gusto na lang niyang lumayo sa lugar na iyon at palayain si Marcus. She doesn't deserve such pure love dahil ang alam lang niya'y saktan ito. Muli siyang hinila ni Marcus at isinandal sa dingding sa pagkabigla niya. Inilapit nito ang mukha at ramdam niya ang marahas nitong paghinga. Kahit ang isang kamay nito ay mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. His eyes speak anger and rage. "Gusto mo talagang magpakasal ako sa iba? Ha? Bukas na bukas din ay pupuntahan ko si Caroline, Stacey! Iaalay ko ang pangalan ko na ilang beses mong tinaggihan at ipaparamdam ko sa 'yo ang sakit na mawala sa 'yo ang tao

