"I'm sorry, hindi ko alam na gagawin ni Leandro 'yun," paghingi ng paumanhin ni Stacey sa kanya nanag makalayo sila sa unibersidad. "Huwag mong intindihin iyon. Natutuwa akong nakipagkalas ka na sa kanya," pag-amin niya. Kung mayroon mang kunswelo sa pagkakasuntok sa kanya ni Leandro kanina ay ang kaalamang nakipagkalas na si Stacey roon. At na siya ang dahilan kung bakit iyon ginawa iyon ng dalagita ay nakadagdag sa ego niya. "Mamumula 'yan mamaya at magtataka sina Dad kapag nakita 'yan." "Ako na ang bahalang magdahilan. Magkunwari ka na lang na hindi mo alam." "Bakit nga pala hindi ka man lang gumanti ng suntok kay Leandro?" tanong nito sa kanya. "He's bigger, but you are taller. Kayang kaya mong makipagsukatan ng lakas sa kanya." Tama ang sinabi ni Stacey. Marahil ay nasa 5'8 lam

