Halos patakbong tinunton ni Marcus ang emergency room kung saan naroon ang Daddy Zane ni Stacey, Uncle Ezekeil at Uncle Zandro nito. Hindi pa siya pinayagan na makita ang kasintahan dahil kasalukuyan pa itong sinusuri ng mga doktor. "Sino ang nagbigay ng pahintulot na sumali siya sa kompetisyong iyon?" halos paanas niyang tanong sa dalawang naroon. Pero naroon din ang galit na kung para sa sarili ay hindi niya tiyak. "Ni wala man lang nagsabi sa akin na nasa karerahan siya!" Tumataas baba ang dibdib niya sa matinding emosyon. Lahat ay halos hindi gustong magsalita. Lahat ay nag-aalala at lahat ay gusto nang umiyak. "Huminahon ka, Marcus," wika ni Zandro na nasa ospital na iyon nagtatrabaho bilang Neurosurgeon. "Walang may kagustuhan nito at dati namang sumasali na si Stacey sa ganyan

