"Ikaw ang nagpabakasyon kay Nana Rosa tapos iiyak ka sa paglalaba," tudyo ni Marcus sa kanya pagkatapos siya nitong halikan. Hawak pa rin nito ang baywang niya at nakayuko dahil hindi niya magawang makipagtitigan dito matapos mamugto ang mga mata niya kaiiyak. "K-kumain ka na ba?" tanong niya sa ama ng anak sa pagitan ng paghikbi. Kung saan ito nanggaling ay hindi niya na gustong itanong pa. Ang mahalaga ay umuwi ito para sa kanila ni Athena. Hindi s'ya gagawa nang anumang ikagagalit ni Marcus para uuwi pa rin ito sa kanila ni Athena gabi-gabi katulad ngayon. "Tapos na sa expressway kanina," sagot nito. Ibig sabihin ay sa Maynila ang pinuntahan nito o sa southern part ng Luzon. Kung inilayo nito si Caroline sa San Fabian ay wala siyang ideya. Ang mahalaga ay s'ya pa rin ang nakatira

