Matagal nang nakaalis ang mommy ni Sebastian pero nanatiling nakatulala pa rin ako. Nasa baso ng hindi naubos na apple juice ang mga mata ko. Mahapdi ang mga iyom pero kanina pa ako tumigil sa pag-iyak. Kung tutuusin ay gustong-gusto ko pang humagulhol. Gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong makita ako ni Sebastian sa ganoong paraan. Hindi ko nga alam kung paano ko s'ya haharapin nang hindi n'ya napapansin ang pamumugto ng mga mata ko. I glanced at the wall clock. Mag-a-alas dos na pero hindi pa rin nakakauwi si Sebastian. Hindi pa rin s'ya tumatawag at kanina pang umaga ang huling text n'ya sa akin. Hindi ko nga lang kailangang mag-alala dahil alam ko kung ano ang pinagkakaabalahan n'ya sa mga oras na 'to. Confident akong tatanggihan ni

