Chapter 69

1265 Words

ELYSIA’S POV Nang sumunod na araw, nag-book na kaagad ng flight pabalik ng Catalonia at kinabukasan din ay lumipad na ang mga ito kasama ang dalawang bata. Sa pagkakataon na iyon, isinama na rin ni Gaway si Minerva dahil napalapit na rin ang bata rito. Ilang araw lang ang lumipas ay sumunod na rin kami at lumipad naman patungong Milan. Pagdating pa lang ay humanap ako kaagad ng isang mahusay na imbestigador. Pinahanap ko rito ang buong impormasyon tungkol kay Tadeo Luminara simula noong binata pa ito halos apat na taon na ang nakakalipas, panahon kung kailan buhay pa si Miriam at naging malapit sila sa isa’t isa. Alam kong napakahirap noon dahil matagal ng nangyari pero para sa mga imbestigador ay kakayanin nilang makuha ang lahat ng impormasyon sa tamang presyo. Pinaalam ko rin kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD