ELYSIA’S POV Hinayaan kong si Gaway ang magresolba sa kanyang problema pero hindi pa rin ako nawawala at patuloy pa rin nakaagapay sa kanya. Sinisiguradong hindi magkakaproblema, madadamay at mapapahamak ang mga bata sa pagitan ng dalawang lalaking nagmamahal sa kanya. Tagisan iyon ng puso. Paunahan kung sino ang makakapagpatibok muli ng puso ni Gaway. Sa pamamagitan ng aking tulong ay naitatag muli ang kompanya ng mga Hierro. Napawalang bisa ang kasal ni Hierro sa kanyang asawa nang idaan sa husgado at napatunayang ang kanyang asawa ay nakikiapid. Ang isang pinakamatibay na ebidensya ay ang anak nito at ng sinasabi nitong sperm donor. Pinatunayan niya rin sa husgado na wala siyang problema pagdating sa pag-rereproduce. Kasabay ng pagsasawalang bisa ng kasal ni Felix ay nabigyan din

