ELYSIA’S POV Nang sumunod na araw ay kinutsaba ko si Nico na makipakita kay Aldo para sa isang ‘business proposal’ na agad namang pinaniwalaan ni Aldo. Sa isang kilalang restaurant sa centro ng Milan napagdesisyunang magkita. “Are you sure you can handle it? Bakit hindi mo na lang hayaan si Gaway ang magdesisyon? Ibigay mo sa kanya ang mga larawan at proof pagkatapos noon siya na ang bigyan mo ng pagkakataon na makapagdesisyon,” sabi ni Nico sa akin habang patungo kami sa restaurant kung saan namin kikitain si Aldo. “Ayaw ko siyang masaktan. Apat na taon itong naging ina sa dalawang bata. Kagaya ko ay sinaktan din ito ng mapaglarong mayayaman sa Pilipinas at ang masaklap pa rito ay nag-iwan pa ng souvenir. Akala ko nga sa aming magpipinsan ay ako na ang pinakamalas dahil nga sa mga na

