ELYSIA'S POV
Parang bigla akong nahiya sa kutis ng lalaking nakisindi sa akin. Napakakinis ng kanyang balat at animo'y hindi nasisikatan ng araw sa puti na parang Isang bampira at hugut sa lahat ay napakagwapo pa nito.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay at hindi mo iisiping may lahi itong Pinoy maliban na lang sa kulay ng kanyang buhok at sa paraan ng pananalita lalo na kapag nagtatagalog.
Pero ang mas nakakahanga rito ay hindi ito katulad ng ibang mga bisita sa pagtitipon na iyon. Bukod sa mga Dela Cuadra na napaka mapagkumbaba lalo na ang matanda na si Don Adolfo ay ito lang ang nagpakita ng magandang pakikitungo sa katulad Kong tagasilbi sa pagtitipon na ito. He doesn't care kahit na isa lamang akong taga silbi sa lugar na ito at hindi naiilang na nilapitan ako para makipag-usap. Sa maikling oras ay hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya. Wala akong naramdam na kahit anong pagmamaliit o pagmamataas mula rito. Pinagkasya ko ang sarili sa pagtitig dito habang nagpapalitan ng magaang usapan at kwentuhan. Napakagaan Niya kausap na para bang matagal ko na siyang kakilala.
"Sige po Sir. Papasok na po ako. Tapos na po kasi ang break ko," paalam ko rito nang sipatin ang oras sa aking relo.
"What's your name again?" tawag tanong nito.
"Elysia po," pagkasabi ay tuluyan na akong lumayo upang tumulong sa paglilinis. Pagsapit ng gabi, hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ng after wedding party. Dalawang oras lamang ang aking ipinahinga dahil kailangan namin ulit magsilbi sa mga ito.
"Ano, kaya pa?" tanong sa akin ni Miriam habang hawak ang isang tray na may lamang mga kopita ng iba't ibang klaseng alak.
"My God, Hindi mo sinabi sa akin na halos wala palang lunch break dito," reklamo ko.
Natawa lamang ito.
"Hayaan mo na, papaldo naman tayo kapag sahod.," sagot lang nito. Pagkatapos kumain ng mabilisan ay bumalik ako sa pag-seserve ng mga alak sa mga bisitang naroroon. Agad kong napansin ang lalaking nakausap ko kanina. May mga kausap ito subalit ang mata ay nakasunod sa akin. Ang akala ko ay guni-guni lang ang lahat subalit nang muli akong bumalik dala muli ang Isang tray na may lamang mga kopita ay napatunayan Kong hindi ako nag-iilusyon lang.
Sa takot na baka ma-destruct at makabasag dahil sa nakakatunaw niyang mga titig ay lumipat ako ng pwesto at naglakad patungo sa bandang gilid kung saan hindi ko ito matatanaw.
Palalim na ang gabi, pagod na ang aking katawan Lalo na ang aking mga paa na halos buong araw na nakatayo at walang tigil sa paglalakad. Naupo ako sa Isang bakanteng upuan sa ikalawang palapag ng bulwagan kung saan halos wala ng tao, tanging mga lamesang may lamang mga basong walang laman ang naroroon.
"Mas mahirap pa ito sa pagtanggap ng calls," bulong ko habang ipinapahinga ang aking sarili. Habang nakaupo ay may nakita akong Ilang kopita ng alak na hindi pa nababawasan at nakapatong sa ibabaw ng Isang lamesa hindi kalayuan sa akin.
Nagpalinga-linga muna ako bago ko iyon kinuha saka ininom.
"Sayang naman kung itatapon lang." Gumuhit kaagad sa aking lalamunan ang isang medyo matamis ngunit mapait na lasa ng alak. Kahit papaano ay nakatulong ang aking nainom upang mabawasan ang pagod sa aking katawan. Hindi ako nahihilo Pero ramdam ko naman ang pag-init ng aking katawan.
"Want more?" tanong ng isang lalaki mula sa aking likod. Nilingon ko kung saan nagmula ang boses na iyon at nakitang ito ang gwapong lalaking nakausap ko kaninang umaga at siyang humahabol ng tingin sa akin habang nag-seserve ng inumin.
Napatayo ako na para bang isang kriminal na nahuli sa akto. Itinaas nito ang bote ng alak na kanyang hawak at akmang lalagyan muli ang aking baso ngunit agad akong tumanggi.
“Sorry, Sir. Hindi po kasi pwede sa amin,” pagtanggi ko kahit na nahuli na niya akong umiinom.
“It’s fine. Wala namang nakakakita, have some more. Don’t worry, if it causes you trouble, I’ll handle it,” turan nito. Napalinga-linga pa ako sa paligid habang tinatanggap ang alok nito. Kagaya ng kanina ay naging magaan ang aming pag-uusap, hindi ko na rin namamalayan na napapasarap na ang aming usapan. Kung hindi pa ako tinawag ni Miriam ay hindi pa mahihinto ang aming pag-uusap.
“Pasensya na po, Sir. Pwede ko bang mahiram si Elysia?” tawag ni Miriam.
“Sure, go ahead,” nakangiting sagot nito. Kahit medyo nahihilo ay sumama na ako kay Miriam, inakay niya ako pababa.
“Ely, anong ginagawa mo? Jusko, akala ko si Gaway lang ang kailangan kong bantayan. Bakit kasama mo siya?” tanong ni Miriam sa akin habang akay ako pababa patungo sa unang palapag ng event hall. Iilan na lang ang tao at nag-uumpisa na rin maglinis ang aking mga kasama.
“Anong magagawa ko? Siya nag-alok, kahit na tumanggi ako ayaw niya naman makinig,” sagot ko kay Miriam.
“Sige na. Kaya mo pa ba?” tanong nito.
“Kaya pa naman, hindi naman ako masyadong lasing,” sagot ko rito na kahit ang totoo ay dalawa na ang tingin ko sa kanya.
“Sigurado ka ha? Sige na, baka mapansin ni Madam Beth na hindi ka kumikilos baka hindi ka dagdagan ng bonus. Sayang din iyon. Huwag ka na umakyat sa taas, tumulong ka nalang sa paghuhugas ng mga baso sa kusina,” sabi ni Miriam bago ito umalis.
Napatingala ako upang sana tingnan ang lalaking kausap ko kanina at napansin na nakatanaw ito mula sa itaas at nakatingin sa akin.
Oo nga pala, nakalimutan ko tanungin ang kanyang pangalan.
“Elysia, kailangan nila ng tao sa kusina!” sigaw ni Madam Beth na siyang manager ng catering service na aking pinagtatrabahuan.
Pilit kong pinatuwid ang aking lakad at nagtungo sa kusina. Halos dalawampung minuto ang nakalipas ay nilapitan ako ni Madam Beth.
“Oh, Elysia. Halika na muna rito.” Pinunasan ko ang aking kamay na basang basa dahil sa pagbabanlaw ng mga plato, kutsara at basong ginamit bago ako lumapit kay Madam Beth.
“May guest kasi na nagpapahanap sa iyo, hindi ko naman matanggihan. Gusto ka raw niya makausap. Okay lang ba sa iyo?” tanong sa akin ni Madam Beth na may pag-aalangan sa kanyang mukha.
“Sino po?”
“Si Sir Xavier,” anito kasunod ay itinuro nito ang lalaking kausap ko kanina. Kausap nito ang isa sa mga manager ng hotel, naglakad ang mga ito patungo sa isang pasilyo.
Ah. Xavier pala ang pangalan niya.
“Okay lang po, Ma’am Beth. Usap lang naman po, eh,” pagsang-ayon ko.
“Mabuti naman. Ikaw na bahala, malay natin at may malaking event din siyang gustong ipa-cater sa atin. Sige na, bumalik ka kaagad ha,” sabi ni Madam Beth.
“Ely,” tawag sa akin ni Miriam pagkaalis ni Madam Beth.
“Narinig ko usapan niyo ni Madam Beth, ingatan mo ang mga sarili mo. Huwag ka na gumaya kay Gaway, ha?” paalala nito.
“Oo na, alam ko na iyon. Hindi na ako bata, samahan mo na lang ako,” yaya ko rito para mabawasan ang pag-aalala nito sa akin. Ikinawit nito ang kanyang kamay sa aking braso at naglakad kami patungo sa isang opisina hindi kalayuan sa event hall. Sumilip kami sa loob, nang makitang may kausap pa ito ay nanatili kaming naghihintay sa labas.
“Ano ba yan, anong oras na gusto ka pa rin makausap. Mag-aala una na bakit andito pa yan?” bulong ni Miriam.
“Baka naman siya ang may-ari ng hotel kaya nandito siya,” sagot kong bulong. Napakibit balikat ito dahil sa aking sinabi. Sampung minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito tapos makipag-usap kung kaya nagpaalam na si Miriam.
“Ikaw na nga muna rito. Kausapin ko si Madam Beth at saka tutulong na rin ako sa kanila para matapos na. Ayusin mo, Ely,ha,” paalala nito ulit bago umalis.
Naghintay pa ako ng ilan pang minuto nang lumabas ang kausap ng gwapong lalaki.
“Pumasok ka na sa loob, Miss,” sabi nito sa akin.
Kumatok muna ako sunod ay sumilip bago pumasok sa loob.
“I’m sorry, pinaghintay kita sa labas. Come in and close the door please,” anito.
Ano kaya ang kailangan niya sa akin at bakit niya ako pinatawag?