ELYSIA’S POV Naging tuloy-tuloy ang aming lihim na relasyon at sa bawat araw na kasama ko si Xavier ay palagi niya akong ini-ispoil nito. Kung dati ay alahas at pera ang kanyang madalas na ibigay, ngayon ay nagawa nitong bilhan ako ng ilang mga bahay at resorts na sa akin mismo nakapangalan. Ilang sasakyan din ang kanyang binili at sa tuwing magkasama kami, walang palya ang kanyang pagbibigay ng sorpresa sa akin at madalas na nagpapa-fire works display ito o di kaya ay ang drone art para lang sa akin. Nasa isang taon at dalawang buwan na rin ang nakaraan, ilang buwan na lang ay tuluyan ng matatapos ang aking kontrata na kung saan ay binabalak ko pang mag-extend. Ang aking plano na mag-abroad ay tuluyan ko ng nakalimutan pero may mga pagkakataon pa rin na naiisip ko iyon. “Kaunti na la

