ELYSIA’S POV Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nakakahinga ng maluwag dahil sa napakabilis na lumipas ang mga araw at naka- anim na buwan na ako kaagad. Isang taon na lang ang aking bubunuin bago ako makalaya sa nakakasakal na kontrata kung saan ako nakatali. Sa loob ng anim na buwan bilang personal secretary ni Xavier ay parang walang nakapansin sa aking pagiging mistress. Hindi ko naman iyon ginusto dahil gusto ko lamang mailigtas sina Gaway, nakatali ang aking mga kamay sa isang kontratang hindi ko binasa. Naging maingat din ako, hindi alam ni Xavier na gumagamit ako ng contraceptive pills upang mapigilan ang aking hindi inaasahang pagbubuntis pero nitong nakaraang linggo ay tila mas naging vocal si Xavier. Pagkatapos nitong makipag-meeting ay bumalik kami sa kanyang main office

