ELYSIA'S POV Mabigat ang loob na muli akong pumasok sa trabaho. Agad akong sinalubong ng aking mga katrabaho sa Finance Department lalo na ni Geraldine kasama ang BFF nito. "Elysia! Akala ko nag-resign ka na?" gulat na tanong nito nang pumasok ako kinabukasan. Masama ang loob na dumiretso ako sa aking lamesa. "Akala ko kasi tapos na ang kontrata ko kaya nag-resign ako," tanging nasagot ko. "Oh, kamusta ka naman? Akala ko, sick leave lang may pa resign resign ka na palang nalaman. Ano, na-stress ka na rin ba kay Boss kaya naisipan mong mag-resign?" bulong nito sa akin. Pa-simple akong ngumiti dahil sa sinabi nito. Stress hindi dahil sa trabaho kung hindi sa panloloko ni Xavier sa akin pero hindi ko iyon maisiwalat dahil sa naging lihim aming naging relasyon. "Naku, sinasabi ko na

