ELYSIA’S POV Nagtagumpay kami ni Nico na mapapayag si Onyx Dela Cuadra upang tulungan kami na mahanap si Xavier. Sa katunayan, ang pag-alok ko sa kanya ng imbitasyon sa Aurelius Convention ay nakatakda talagang ibigay sa kanya at tanging kay Onyx Dela Cuadra lamang. Noong nakaraang convention ay naging parte ito ng usapan na dapat mapabilang sa organisasyon dahil sa natatangi nitong talento sa pagnenegosyo. Bukod pa roon, may ilang mga kilalang engineers na kabilang sa convention ang gusto siyang makilala dahil sa kanyang mga bagong proyekto na likha ng ModelAxis na base sa aking narinig ay siya mismo ang lumikha. Mabilis ang naging pagkilos ni Onyx at ginamit nito ang kanilang mga bihasa at ipinagmamalaking tauhan sa larangan ng hacking. Halos kalahating minuto lamang ang itinagal ay n

