ELYSIA'S POV “Xavier, please. Let them go, ibalik mo na sa amin ang mga bata,” pakiusap ko sa mas mahinahon na boses. “Simple lang ang gusto ko Elysia at alam mo naman na kung ano iyon. I’ll wait for you my elysia,” anito saka pinatay ang tawag. Tuluyan na akong nabuwal sa sofa dahil tila ba nawalan ako ng lakas pagkatapos ng aming naging pag-uusap. Ito na nga ang sinasabi ko, ang mga takot at pag-aalala ko noong nasa Italya pa kami. Naisahod ko ang aking palad sa aking mukha at hindi napigilang mapaiyak. Hanggang kailan ba? Hanggang kailan ba ako mananatili sa anino ni Xavier? “Elysia,” mahinang tawag ni Ma’am Beth sa aking pangalan na aking ikinalingon. Pagtingin ko rito ay lumuhod ito sa aking harapan at halos halikan nito ang aking mga paa habang paulit-ulit na humihingi ng

