ELYSIA'S POV
"Elysia, ang bagal mo naman maglakad. Kanina nagmamadali kang yayain ako, ngayon ang bagal bagal mo. Bilisan mo na baka naghihintay na sa ating si Miriam," nakangiting turan ni Gaway, dala nito ang dalawang balot ng pagkain na binili niya para sa kanyang kapatid. Mabigat man sa loob ay naglakad akong kasabay nito patungo sa kwarto ni Miriam.
Nang makarating kami sa kwarto ni Miriam ay wala na ito roon.
"Nasaan si Miriam? Nagpalaboratory ba siya?" tanong sa akin ni Gaway na walang kaalam-alam.
"Hindi, inilipat na siya."
"Talaga? Tara na," yaya nitong muli sa akin.
Dinala ko siya sa elevator at pinindot ang basement. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha Pero mas lalong kumunot ang kanyang noo nang pagbukas ay bumungad sa amin si Tiya Trining na mugto ang mata at walang tigil sa pag-iyak. Sa likod nito, sa pinakadulong bahagi, ilang metro ang layo ay nakasulat ang salitang morge.
"B-bakit nandito tayo, Elysia? akala ko ba malapit na umuwi si Miriam?" nangangatal ang kanyang mga labi ramdam ang pinaghalong takot at taranta sa kanyang mukha.
Sinalubong ito ng yakap ni Tiya habang ako naman ay hindi na napigilang mapaiyak.
"E-Ely, magsalita ka anong ibig sabihin nito?" tanong nito na nagbabadya ang pag-iyak.
pinunasan ko ang aking luha saka hinawakan ang kanyang kamay. Bumitaw naman si Tiya mula sa pagkakayakap kay Gaway at nagpatiuna.
ang aming mga yabag ng paa ang siyang pinagmumulan ng ingay sa lugar na iyon. habang papalapit sa bahagi ng hospital na pinaka kinaayawan ng lahat ay mas lalong tumatapang ang amoy ng formalin. Kinausap ni Tiya ang isang nurse na naroon at saka pinapasok kami.
"Hindi, hindi ako papasok diyan. Wala si Miriam diyan," ayaw pumasok ni Gaway sa loob ng morge. Niyakap ko ito saka inakay papasok patungo sa katapat na lamesa kung saan naroroon si Tiya. Ang lamesa ay may nakapatong na tila hugis tao na kung saan ay natatakpan ng puting kumot. Hindi ko na napigilan tumulo ang aking luha ng makita ang ang malakas na bulahaw ng pag-iyak ni Gaway ng buksan ng nurse ang nakatabing na puting kumot.
napakaputla ng kanyang mukha taliwas sa kanyang itsura kahapon na parang nagkakakulay na. Ang sabi ng doktor, ang unang seizure na nangyari sa kanya noong nakaraan ay senyales na nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang panganganak na naging dahilan kung bakit may pumutok na ugat sa kanyang ulo. Sabi ng mga ito ay hindi nila kaagad napansin ang kanyang sakit nung una dahil naging maayos naman ang pakiramdam nito makalipas lamang ang tatlong araw.
Parang sinakluban ng langit at lupa si Gaway.
Kagaya ko ay isa na rin siyang uli lang lubos.
Ang mga labi ni Miriam ay iniuwi namin sa Montealba gaya ng nais ni Gaway upang doon na lang paglamayan. Upang maprotektahan ang kanyang kapatid ay nagsinungaling siya sa mga taong naroroon, sinabi niyang ang dalawang bata ay kanyang anak at namatay ang kanyang kapatid dahil sa sakit.
Wala itong tigil sa pag-iyak habang tinititigan ang kanyang kapatid na nakahimlay sa puting kabaong.
"Miriam naman, bakit mo kami iniwan? Akala ko naman ay nagbibiro ka sa mga habilin mo noon, bakit hindi mo sinabing may nararamdaman ka na? Hindi ba nangako tayo nawala ng sikreto pero bakit naglihim ka na naman?" mahinang sabi ni Gaway sa kanyang kapatid.
"Gaway, tama na. Paano ang mga bata kung pati ikaw ay mawawala?" pagtatahan ko sa kanya. habang nakatingin kami sa kabaong ni miriam ay may isang itim na kotse ang huminto sa tapat ng bahay. Napatigil kaming dalawa ni Gaway, pinunasan nito ang kanyang mugtong mata. bumukas ang pinto ng kotse at inilabas nito ang isang matangkad na lalaki, maganda ang pananamit medyo maputi at bahagyang kulot ang buhok.
"Elysia, Sabihan mo si Minerva na isarado ang pinto at huwag ilalabas ang mga bata, bilis," naging matapang ang boses ni Gaway na utos sa akin.
agad akong pumasok sa bahay niyo na minerva na ngayon ay nakasilip sa bintana. Isinarado ko ang pinto at sinabihan itong huwag lalabas. nakabantay ako sa pinto habang pinagmamasdan ang pagtatalo ng dalawa. Iyon pala ang lalaking nakabuntis sa kanyang kakambal. Sa pagkakaalala ko, naging bisita rin ito sa naging kasalan noon na dinaluhan ko kung saan naging isa akong server.
dinig na dinig ko kung paano sinigaw-sigawan ni Gaway ang lalaki habang walang tigil sa pagsuntok. ang lalaki naman ay tila hindi makapaniwala sa kanyang nakita, si Miriam na nakahiga sa puting ataul. parang nawala sa sarili ang lalaki at napayakap sa kabaong ni miriam at walang tigil sa pag-iyak.
kahit na anong gawing pagsigaw ni Gaway sa kanya ay hindi ito nagpatinag. hanggang sa huling araw ay pumunta pa rin ang lalaki maging sa paghatid namin sa huling hantugan kay Miriam.
Nabalot ng lungkot ang buong bahay, pagdating namin mula sa sementeryo. ang dating bahay na puno ng saya kasama sina lolo, lola, mama, papa, tito at tita maging nina Gaway at Miriam ay tila naging isang abandonadong bahay na puno ng lungkot.
pagkatapos ng babang luksa ay muli kaming bumalik sa norte upang itago ang anak ni Miriam. Inirehistro ni Gaway ang dalawa bilang kambal at inako niya ang anak ni Miriam bilang kanya. Bumalik ako sa pagtitinda sa palengke ngunit habang tumatanggal ay nararamdaman ko para kayo ng palaki ang aming gastusin, hindi na rin ako makaipon na pambayad para sa pagtutubos ng lupang aming sinangla kung kaya't nagdesisyon ako iwan na lamang ang tindahan kay Gaway at maghanap ng trabaho sa maynila.
"Way, kaya mo na ba mag-isa rito?" tanong ko kay Gaway habang nag-iimpake ako ng aking gamit.
"Kaya ko na, nandito naman sina Tiya Trining ay Auntie Norma na makakatulong ko sa dalawa," Sabi nito, kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa ng makitang nakakangiti na ito hindi katulad nung nakaraan na patuloy ito sa pag-iyak.
"hindi mo na kailangan na magbantay sa tindahan, kumuha na ako ng tindera at pupunta ka na lang doon kahit kada hapon para magsara. kapag nakahanap ako ng trabaho, magpapadala ako para sa gastusin nina Mira at Marco. Madalas din akong magbabakasyon dito kapag nagkaroon ako ng leave," pangako ko sa kanya.
"Ingatan mo ang sarili mo, Elysia. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo noon at huwag kang gumaya sa amin ni Miriam," paalala nito.
"ikaw rin, magpakatatag ka para sa mga bata. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa sa pagpapalaki sa kanila kasama mo ako," Sabi ko rito.
Nang makabalik ako sa Maynila ay madalas akong tumawag upang kamustahin si Gaway at ang dalawang bata. Naging mas mahirap sa akin ang paghahanap ng trabaho ngayon sapagkat halos isang taon din akong hindi nakapagtrabaho dahil sa aking maliit na negosyo. Sa ikalawang linggo ay maswerteng nakahanap ako ng trabaho.
bago ako pumasok para sa aking unang araw ay tinawagan ko munang muli si Gaway.
Kinakabahan akong pumasok sa napakalaking gusali. Hindi ko balak pumasok sa kumpanyang iyon dahil alam ko hindi ako makakapasok, dalawang taon lamang at vocational ang aking natapos. Sa pagkakaalam ko, ang mga nakakapasok dito ay nagmula sa mga prestihiyosong kolehiyo at pawang mga nakapagtapos ng bachelor. Napilit lang akong magpasa rito nang isa sa mga naging katrabaho ko sa call center ang nag-suggest dito.
Naging maganda ang unang araw ko sa trabaho, mababait ang lahat at hindi ako nakakaramdam ng pagmamaliit kahit pa vocational lamang ang aking natapos.
"Ely, come with me," tawag sa akin ni Miss Glenda. mabilis akong lumapit sa kanya, ibinigay niya sa akin ang ilang dokumento. naglakad kami paakyat sa penthouse kung saan naroroon ang ceo ng kumpanya.
"Ipasok mo ito sa loob, hinihintay na iyan ni Sir. May kukunin lang ako kay Secretary Domingo. huwag ka nang magtatagal sa loob, pagkabigay mo ay lumabas ka na rin kaagad," panuto nito.
Tumango ako rito.
Tatlong mahinang katok ang aking pinakawalan bago ko binuksan ang pinto.
"Sir, ito na po yung mga papers na pinapakuha niyo," kinakabahang Sabi ko nang maisara ko ang pinto. bahagya akong nakayuko kung kaya't hindi ko makita ang kanyang mukha. Natatakot akong titigan ito dahil ito ang may-ari ng kumpanya pero may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin na tignan ito.
parang tumigil sa pag-ikot ang mundo maging ang aking puso nang mapagsino ang lalaking nasa harap ko.
XAVIER?!