CHAPTER 25 Bumuntong hininga siya. "Pinalapit ko si Eric sa'yo. Ang kaibigan ko, para kunin ang pangalan mo o ang number mo dahil nga ang alam ko ay may karelasyon na din naman noon si Francis, so, kaya may karapatan na din siguro akong magmove-on at magmahal ng iba. Nang lumapit si Eric sa inyo, nataong tumawag si Mommy kaya ko siya hinabol para sabihang sa CR na lang muna ako. Kinausap ka nga niya at nangyari na nga yung eksenang halos masuntok siya ni Francis. Hindi ko alam na naroon si Francis noon. Akala ko lang ay si John Dexter at yung isa pa ang kasama mo. Sabi ko no'n small world at dito lang pala kami magkikitang muli. Hindi kilala ni Eric si Francis dahil bago ko lang naman na kaibigan iyon noon at hindi ko din naman nababanggit ang ex ko. Sinundan ako ni Eric sa loob ng CR

