CHAPTER 27 Lumuhod din sa harap ko si E-jay. Kinuha niya ang kamay ko sa lupa. Diniretso niya ang nakayuko kong katawan at magkaharap kaming nakaluhod at nagyakapan ng mahigpit. "Tahan na. Huwag ka nang umiyak. Hindi mo alam kung paano ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang ganyan." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Sandali kaming nagkatitigan hanggang sa ako ang unang yumuko. Humihikbi pa din kasi ako sa hirap na aking dinadala. Hanggang sa hinawakan niya ang baba ko. Lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Palapit nang palapit hanggang sa naramdaman ko na ang halos paglapat ng aming mga labi. Isa iyon sa pangarap ko. Ang mahagkan siya. Nagkakatotoo ang lahat na nasa panaginip ko. Tuluyan niyang sinimot ang lahat ng agam-agam sa dibdib ko.

