CHAPTER 45 Nagkaroon ako ng pag-asa na maaring buhay pa si E-jay. Na nasa paligid lang din siya. Hinanap ko siya sa paligid. Baka nagawa niyang gumapang o kaya ay tumayo. Ngunit nabigo akong hanapin siya. Hanggang naisip kong baka binalikan niya ako sa lumang bahay kanina. Oo nga, sinabi niya sa akin na babalikan niya ako doon. Kailangan kong bumalik sa lumang bahay para sabihing okey na ako. Inapuhap ko ang sugat sa balikan ko at wala na akong maramdamang sakit doon. Hindi na din naman ito dumudugo pa. Nagpasalamat ako sa Diyos. Hindi pa man ako lubusang nakakalayo nang may napansin akong nakaupo sa silong ng malaking puno. Sapo nito ang kaniyang ulo. Mukhang malalim ang iniisip. Nilapitan ko. Umaasang si E-jay nga iyon. Ilang dipa pa lang ang layo ko nang nasisiguro kong

