CHAPTER 29 "Totoo bang binalikan mo sa bar si E-jay noong gabing nagkita tayo? Kaya ka noon nagpahatid sa akin ng maaga at hindi ka sumamasa sa akin dahil gusto mo siyang balikan?" Tinigil niyang isubo ang hawak niyang Pizza. Huminga ng malalim. "Oo, binalikan ko siya, naglabas lang ako ng galit ko dahil sa ginawa niya. Iyon lang ang intensiyon ko noon Carl. Huli na nang bumalik siya sa buhay ko. Bumalik ako dahil gusto ko na ding official na tapusin yung sa amin para mas tahimik ang isip at puso ko na ipagpatuloy yung sa atin." Umiling ako. Hindi iyon ang sinabi ni E-jay sa akin. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ayaw kong kontrahin na muna ng version niya. Lalabas kasi na walang silbing nagtanong pa ako kung hindi ako makikinig sa

