ANG buong akala ni Aryana pag sinabi niya sa binata na mag pakasal na siya kay Sandoval pipigilan siya nito. Wala talaga siyang pag asa sa puso nito. Mabigat at masakit sa kanyang ka looban ang lumabas sa opisina. Agad din napawi ang bigat ng kanyang kalooban ng makita si Sandoval na nag antay sa kanya sa labas. Naka sandal ito sa itim na sasakyan na honda. “ Aryana!” sambit nito ng makita siya “ Sandoval? Kanina kapa?” kunot-noo niyang tanong. “ Medyo matagal tagal na din.” Nakangiti nitong tugon. “ Bakit hindi ka pumasok sa loob?” “ Hindi na, alam mo naman iyon mag wawala iyon pag nakita ako.” Nagkibit balikat siya at naglalakad palapit dito. NAUNA lumabas si Aryana sa kanya. kinuha niya ang kanyang gamit mabigat ang kanyang kalooban “ nasa huli talaga ang pagsisi. Kung kail

