Title; A beautiful you
Chapter 12
TULUYAN ng hindi nakaramdam ng gutom si Aryana. Matapos ang halikan nila ni Christian. “ Na busog na ata ako sa laway” natatawa niyang sabi sa sarili. “ Ang bango ng hininga niya”
Mayamaya pa nakita niya lumabas si Christian mula sa c.r saka nagtuloy itong lumabas ng opisina ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.
Naisipan niyang lumabas nalang din at puntahan ang kaibigang si Maggie.
" Napapasin ko nag blooming ka ata." puna ni Maggie sa kanya, ng makita kakaiba ang aura niyang ngayon araw na ito.
napangiti siyang kinikilig ng maalala ang ginawa nila ng binata kanina" Bakit hindi ba ako blooming noon?" umupo sila sa tabi ng nag bebentang buko juice.
" Ibang iba ang pagka blooming mo te. Na didiligan kaba ngayon?" Natatawa nitong biro sa kanya
Napa konot noo siya hindi niya alam ano ang ibig sabihin nito na diligan.
" Ano ba iyan pinag sasabi mo?"
" Alam mo tayong mga babae kapag na didiligan nagiging fresh looking, at yon ay ang nakikita ko sa mukha mo. Kita mo yong halaman na yon?" Sabay turo sa halaman na halatang nalalanta dahil sa walang dilig. " Magiging ganon din tayo tignan pag hindi nadidiligan." sabi nitong sinabayan ng tawa.
" Sira! Sino naman ang didilig sa akin alam mo naman nag hahanap pa ako ng boyfriend." nakairap niyang sabi.
" Malay ko, baka ang boss mo." pabiro nitong sabi.
Ramdam niya ang pag init ng kanyang dalawang pisngi sa sinabi nito. " Sira ulo ka talaga!" singhal niya rito
" Ito ang salamin oh, tignan mo ang mukha mo pulang pula. Bakit kaba na mumula sa tuwing nababanggit ang boss mo? Gusto muna ano? Aminin mo na kasi." tukso nito na lalong ikinapamula niya.
Dahil totoo ang sinasabi nito gusto na niya ang binata, nakaramdam na siya ng pagka gusto ng binata. Simula ng mahalikan siya nito kanina kinikilig na siya at gustong gusto niya ulitin ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Ni hindi na niya maimagine ang sarili makipag hahalikan sa ibang lalaki.
" Tigilan mo nga ako." inis-miran niya ito. Kunwari na iinis siya, para tigilan siya sa panunukso nito.
" Bakit ka kasi nag ba-blush? Wag ka mag sinungaling sa akin kaibigan mo ako." pangungulit nito sa kanya.
" Pag hindi ka titigil iiwanan kita dito." pinaikot niya ang kanyang eyeball.
" Sige na nga lang, mukhang hindi kapa naman talaga handang umamin na may gusto kana sa boss mo.”
" Wala naman akong aaminin saiyo."sinabayan niya iyon ng pagtayo.
" Seriouso bagay kayo ng boss mo." sabi ni Maggie tumayo narin para bumalik na sa opisina nito.
Kinilig siya sa sinabi ng kaibigan pero, paano hindi naman siya gusto ng binata.
PAGKA GALING ni Christian sa opisina dumeretso siya sa kanilang bahay. Nakailang ulit na siyang pabalikbalik ng lakad sa kanilang sala.
Hindi siya mapakali habang iniisip ang magiging session nila ni Aryana, mamayang hapon.
Matagal na siyang hindi naka pag dilig ng babae pero ayaw niyang si Aryana iyon. Unfair kay Aryana kung kukunin niya ang virginity nito gayong wala siyang planong pakasalan ang dalaga.
" Ano ba Christian na hihilo na ako sa iyo. Bakit kaba umuwi?" Tanong ng ina ng hindi ito makapag concentrate sa pina-panood na palabas sa tv.
" Wala ma, may iniisip lang ako."
" Abay, sino ba iyang inisip mo? Siguraduhin mo lang na hindi babae iyan. Okay lang din naman babae basta si Aryana yang iniisip mo."nakangiti nitong sabi sa kanya.
“ Ma, bakit ba gustong gusto mo si Aryana para sa akin?" tanong niyang tumingin sa ina na noon ay nakatingin din sa kanya.
" Dahil nababaitan ako sa kanya at bagay na bagay kayo anak. Mag kakasundo din kami. Kaya gusto ko siya ang pakasalan mo."
Napapailing siya sa sinabi ng ina, saka humakbang siya palabas ng bahay. Mabilis na hawakan ng ina ang kanyang damit na naka tuck in.
" Saan ka pupunta? Hindi mo pa ako sinagot." pangungulit nito
"Ma, naman wag muna ipagpilitan si Aryana." maktol niyang hinila ang damit mula sa pagkakawak ng ina.
" Paano anak kung mamatay na ako bukas? ayaw mo parin ba akong pag bibigyan?" sabi nito inihawak ang kamay sa dibdib.
Napangiti siya sa turan ng kanyang ina saka hinalikan niya ito sa noo. " Mama, gasgas na iyan." Saka tinawanan niya ito at nagtuloy lumabas ng bahay.
" Ah basta! Hindi ko papasukin ang babae mo dito sa pamamahay, kapag hindi si Aryana ang inuwi mo dito." Sigaw ng ina sa kanya.
“ Itong si mama talaga, obssess na kay Aryana” naiiling niyang sabi sa sariling sumakay ng kanyang kotse.
IKSAKTO alas singko na ng hapon, pero wala parin ang binata sa opisina.
" Hindi naba niya tutuhanin ang sinabi niya? Nag bago naba ang isip niya?” tanong ni Aryana sa sarili. Tumingin sa desk ng binata. Mula kanina hindi na ito bumalik sa office nila.
" Paano Aryana mauna na kami sayo?'”Paalam ng mga kasamahan niya.
" Sige ako nalang mag sasara nitong opisina. Tila hindi na ata babalik si sir” tugon niya sa mga kasamahan.
Lagpas alas singko na, pero wala parin si Christian, kaya nagpasya na siyang ayusin ang mga gamit para umuwi nalang din. Hindi na ata darating ang binata.
Patayo na siya ng makita si Christian pumasok ng opisina. Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita ito.
" HANGGANG ngayon andito ka parin?" tanong ni Christian ng makita si Aryana
"Abay, nag hintay talaga." Sa isip niyang nakatingin sa dalaga.
Gusto niyang matawa pero, pinigil niya ang sarili. “ Kung si mama obsess dito, ito naman obsess na magkaroon ng boyfriend at handang gawin ang lahat” sa kaloob-looban niya.
“ Pauwi na ako” ani Aryana sa mahaning boses.
“ Abay, nahiya pa halata naman nag-antay sa akin.”
Naglakad siya papunta sa kanyang desk, para ayusin ang mga gamit niyang naiwan kanina pagkatapos nilang maghalikan ng dalaga.
“ Inferness naman kay Aryana, matamis at malambot ang mga labi” natatawa niyang sabi sa sarili habang nakatalikod sa dalaga.
“ So, desidido ka parin ba sa first session natin?” nakangiti niyang sabi sa dalaga.
“ Bakit ikaw nag bago naba ang isip mo?” balik nitong tanong sa kanya.
“ Hindi naman, gagawin natin ito para makapag-asawa kana at ng lubayan na ako ni mama” sabi niya rito. Saka pinagpatuloy niyang niligpit ang kanyang laptop at ang iba pang gamit nasa ibabaw ng kanyang mesa.