CHAPTER SEVEN

2178 Words
Panibagong bulalak nanaman ang natangap ni Amara kinabukasan. Galing nanaman iyon sa makulit na si Jexel, "Talagang sinusuyo ka girl, hangang sa makamit ang 'oo' mo." Kinikilig na turan ni Kyla sa kanya. Napa-kamot siya sa kanyang ulo at pinagmasdan ang mga bulaklak. Pagkatapos, gaya nung una iniabot niya iyon kay Kyla. "Sa'yo na lang ulit 'to," sabi niyang nakangiti. "Ayaw mo talaga noh? Akin na 'to!" Tsaka na siya iniwan sa sala. Kapag tinangap niya iyon, para na rin siyang pumapayag sa kung ano mang gusto ng binata. Hindi siya maaring bumigay sa pagsuyo nito. Meron siyang mga vows na dapat tuparin at kailangan niyang matupad ang pangarap niyang maging isang madre. Napabuntong-hininga siya at nagtungo sa kwarto. Kukunin na niya ang kanyang towel upang makaligo na at makapasok na. ------------------------------------------------- ------------------------------------------------------------------ "Hello, everyone!" Sabay sabay silang napalingon sa entrada ng cafe. Nakatayo doon si Jexel, at nakapalawak ng ngiti na nakapagkit sa labi nito. Nakaramdam siya ng kaba nang makita ito. Kukulitin nanaman siya nito. Malapit na silang mag lunch break nang mga oras na iyon. Bakit narito nanaman kaya ito? Naisabulong ng dalaga sa sarili. Lalo siyang kinabahan nang maglakad ito papalapit sa kinaroroonan niyang mesa na kasalukuyan niyang nililigpit. "Hi, Mimosa." Napangiwi siya at bahagyang yumuko dito. "G-goodmorning po Sir, pero hindi po Mimosa ang pangalan ko...." Nahihiya niyang turan sa binata na todo ang ngiti sa kanya. "I gave you nickname," sagot nito. Ngumiti siya ng pilit. Minadali ang kanyang pagliligpit. Ngunit inagaw nito ang pampunas na hawak niya. "Sir." Hinila niya ito sa binata. "Yes?" Hinila naman nito muli. Para silang mga baliw na naghilaan sa pampunas ng mesa. "Sir, 'yung basahan po." Tila konti na lang maiinis na siya. Buti na lang mahaba ang pasensya niya. "Hindi ko bibitawan ito, hangat hindi ka pumapayag na makipag-date sa akin." Tsaka ito ngumisi. Nakakapagtaka lang, hindi pangit tignan dito kapag naka-ngisi ito. Bagkus ay nagbibigay pa iyon ng cute na awra sa pilyo nitong mukha. "Then, sa'yo na lang po 'yan," aniya at binitawan ang kabilang dulo ng basahan. Tinalikuran niya ang binata at naglakad bitbit ang mga platito. Ngunit sadyang makulit ito at sinundan pa siya sa paglalakad. Nahihiya na siya dahil nakaka agaw na sila ng pansin, tumingin siya sa may counter at magpapasaklolo sana sa mga kasama niya, kaso tila aliw na aliw pa ang mga ito sa nakikitang nangyayari sa kanya. "Look, I'm a makulit person. Isang date lang Mimosa and we're quits." Napaka kulit talaga ng Jexel na ito. Ngumiti siya ng pilit. Ayaw niyang mambastos ng tao dahil malayo iyon sa ugaling itinuro sa kanya sa kumbento. "Sorry po Sir, pero hindi po maari. Labag po sa vows ko ang magkaroon ng kahit anong mga ganyang bagay. Sana po ay maintindihan niyo sir," mahaba niyang paliwanag sa binata. Natigilan ito at tila nag isip. Pagkaraan ay malawak na ang mga ngiti nito. "Oh that romantic thing, right? Okay ganito na lang. A friendly date? Gusto ko lang maging kaibigan mo. See? I'm not a bad person." - Jex Sa nakikita niya, hindi naman talaga masamang tao ito. Kaso base sa hitsura at asta nito, maka mundo itong tao. Iyong tipong mahilig sa mga babae, baka akala nito maisasama siya sa mga collection nito? Kaso, friendly date ang alok nito. Wala na siyang ilulusot doon. Bigla siyang napangiti nang may maisip. "Friendly date? Parang mas okay nga po iyon sir, pero pinapanguna'an na kita. Hindi po maaring lumampas doon ang kung sa ano man pang naiisip niyo. Kung pakikipag kaibigan lamang po sir, okay ako doon." Mahaba niyang turan sa lalaking kaharap. Lumawak ang ngiti nito na akala mo naman ay nanalo sa lotto. "That's great. So kailan mo gusto?" - Jexel. "Sa day-off ko na po sir, kasi hindi ako maaring mag absent," aniya dito. Tumango-tango ito, pagkatapos ay iniikot ang paningin sa kabuuan ng shop. "I'm starving, can you join me for a lunch?" Bigla ay sabi nito. "One americano." Dinig niyang sabi ni Jiggy. Nagkaroon siya ng dahilan para makaalis sa harapan ni Jexel. Mabilis siyang lumapit sa counter, ngunit sumunod naman ito at doon tumambay. Hinayaan na lamang niya ito doon at nagpaka busy sa pag seserve. Wala pa si Sally, kasalukuyang ito ang naka break. Im starving.... Naalala niyang sinabi kanina ni Jexel. Halata nga g gutom ito at nakokonsensya siya. Kung isasabay niya sa pagkain ito, wala naman masama hindi ba? Wala namang kahulugan iyon. Naroon lang si Jexel at nakikipag biruan sa mga barista. Mukhang masayahin itong tao at hindi ito ang tipo ng matapobreng mayaman. Ilang saglit pa, dumating na si sally at mamita. Sila naman ni Kyla ang kakain. "Oh Sir sumabay ka na sa amin, sakto lunch break na namin ni Amara," anito sa binata pagkatapos ay tumingin sa kanya at kumindat. Talagang itong si Kyla, bet na bet si Sir Jexel. "Sure, okay lang kaya kay Amara?" Ani jexel at tumingin sa kanya. Kaya napilitan siyang tumango at ngumiti. "Sasabay na rin kaya ako?" Biglang singit ni Raven. "Pwede din, kaya naman namin ni Bren dito." Si Jiggy ang sumagot. "O tara na." Masayang sabi ni Raven at lumabas na ng counter. Ganoon na din si Kyla. Pumasok siya sa loob at kinuha ang kanyang bag. Kakain sila sa canteen na walking distance lang naman mula sa cafe. Kumapit siya sa braso ni Kyla nang naglalakad na sila. Nasa tabi niya si Jexel at nasa tabi naman ni Kyla si Raven. Pinapagitnaan sila ng dalawang lalaki. Nang nasa Canteen na sila, hindi niya nakitaan ng pagka-ilang si Jexel sa simpleng kainan na iyon, kahit napaka yaman nito. Naku Amara, huwag mong pansinin ang lahat kay Jexel. Baka saan ka dalhin ng mga iniisip mong yan! Sabi ng isang bahagi sa isip ng dalaga. "Mimosa." Napatingin siya kay Jexel na wari ay may sinasabi "H-ha?" "Sabi ko, anong gusto ninyo and I will pay for everything." - Jexel. "Naku sir huwag na po!" Taranta niyang sabi. Sadyang nakakahiya naman. Naramdaman niyang sinipa ni Kyla ang paa niya sa ilalim ng mesa. "Wag kang tanga girl, libre na yan oh. Makakatipid tayo," bulong ni Kyla sa kanya na ikinangiwi niya. Ito talagang si Kyla basta libre. "It's okay. Order na kayo, how about you Raven?" Baling nito sa katrabaho niya napapansin na tahimik. Hindi naman ito dati noon kapag nakakasabay nila. "No need Sir, may dala pa akong pera." - Raven. Napatawa si Jexel. "Okay, if you say so." - Jexel Ayaw man niya pero nagpumilit si Jexel na ito ang magbabayad sa pagkain nila, pwera ang kay Raven na hindi napilit. "Try this." Jexel put a fried fish and some veggies in her plate. He was smiling ear to ear. Napilitan din siyang ngumiti. "Amara, subukan mo din ito." Inilagay naman ni Raven sa plato niya ang kare kare. "Masarap ang pagkakaluto," dagdag nito. Ngumiti din siyang pilit. Dahil sobrang dami na ng pagkain niya at di siya sanay. "Ehem, nandito din ako. Baka gusto niyo din akong alukin? Try lang natin, di ako tumatanggi," pabirong sabi ni Kyla na ikinatawa nila. Buti na lang at kasama nila ito, nakakawala ng tensyon. Minadali niya ang pagkain, nang maisubo na niya ang huling kutsara ng kanin, sabay na inilapag nina Raven at Jexel ang dalawang bote ng mineral water sa harapan niya. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa na ngayon ay matamang nagtitigan. Mata sa mata. Si Kyla naman ay na- steady ang kutsara sa bunganga at nagtatakang nakatitig din sa dalawang lalaki na tila may mga ipinaglalaban. "Akin na lang 'to. Medyo nabubulunan ako sa nangyayari, I mean- sa kinain ko." Tsaka nito kinuha ang tubig na bigay ni Raven. "Inom ka din Amara," untag nito sa kanya. Wala sa loob na kinuha ang bigay ni Jexel. Parang hindi siya nabusog sa kinain niya. Pagka pahinga nila, agad na din silang umalis sa kantina at naglakad pabalik sa cafe. Hindi na pumasok sa loob ng shop si Jexel. "As long as I want to spend the rest of your time, I can't. Kailangan na ako sa office. Thank you, Mimosa." Bago pa siya makauma, kinuha ni Jexel ang isang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito. "Bye," sabi pa nito habang nakangiti at dali dali ng umalis. Wala sa loob na napahawak siya sa bahaging hinalikan ng binata. Unang beses na may gumawa niyon sa kanya at talagang nabigla siya. Hindi niya alam ano ang mararamdaman niya. "Ito." Napatingin siya kay Raven na may inaabot na tissue. Nagtataka siyang napatingin dito. Nagtatanong ang mga mata kung para saan iyon. "Ipunas mo sa hinalikan ni Sir Jexel." Tsaka na ito pumasok sa loob ng cafe. Napatingin siya sa tissue pero hindi naman nagawang maipunas iyon sa hinalikan ni Jexel. Siniko siya ni Kyla. "Ikaw na girl! Ikaw na talaga, Jusko! May tama din ata sa iyo si Raven? Jusko girl! Wala ka pang isang buwan dito dalawang lalaki na ang naano ng kagandahan mo," mahabanf pahayag ni Kyla. Baklang bakla talaga ito kung magsalita. "Hayaan na lang natin Kyla," sabi na lang niya at nagpatiuna ng maglakad papasok. "Oh ingat kayo guys, baka maapakan niyo ang buhok ni Amara. Napaka-haba pa naman!" Si Mamita agnes iyon nang makapasok sila sa loob. Nagtawanan sila. Mabiro talaga ang mga kasama niya. ------------------------------------------------ ---------------------------------------------------------------- "Oh bakit hindi ka pa naliligo ngayon? Hindi ba mamayang 4pm na ang 'friendly-date' niyo kuno ni Sir Jexel?" -kyla. Dumating na ang araw ng off nila, Tumayo siya mula sa pagkakahiga. "Maligo na din kayo ni Sally," aniya kay kyla na biglang nagtaka. Pati si Sally na busy sa cellphone ay napatingin dahil sa tinuran niya. "Aba, eh bakit pati kami aber?" Tanong ni kyla. Lumawak ang ngiti niya. "Isasama ko kayo. Friendly date naman iyon, so pwede akong magsama. Mas madami mas masaya ang friendly date hindi ba?" Masaya niyang sabi. "Ay loka! Baka mabigla si Sir----" "Bet ko yan! Maliligo na ako at sasama ako!" Excited na tumayo si Sally. "Oy sally! Parang ewan----" "Hayaan mo na, kapag hindi kayo sumama. Hindi ko na lang din itutuloy,"- Amara. "Nakaka loka kayo. Sige na maliligo na din ako niyan. Maloloka mga bulbul ni Sir Jexel sa iyo mamaya, isipin mo ikaw lang ang niyaya. Nagsama ka pa ng dalawang chaperone." Natatawang wika ni Kyla na tinungo ang cabinet. Mukhang maghahanda na ng isusuot. Exvcited siya sa magiging reaction ni Jexel mamaya. Tatlo silang ide-date nito. ------------------------------------- --------------------------------------------------------------- Naka ilang wisik siya sa katawan ng kanyang paboritong pabango at makailang ulit na tumingin sa salamin. Para siyang teenager sa unang date dahil sa ginagawi niya. May naisip na siyang lugar na pagdadalhan kay Amara, lugar na para sa kanilang dalawa lang. Isang napaka romantic na lugar kung saan makakausap niya si Amara ng maayos. Napangiti siya dahil sa naiisip, makaka first base ata siya ngayon kay Amara. Dahil sa naisip, nilamon siya ng excitement na masosolo niya ang nobisyadang kinagigiliwan niya ngayon. "Ano ba yan hijo, pababa ka pa lamang sa hagdan naamoy ko na 'yang pabango mo. Inubos mo ata ang isang bote?" Bungad ng kanyang ina nang makababa siya sa kanilang grand staircase at nadaanan ito sa living room kasama ang mga kapatid. "May date 'yang si kuya mama, mga ganyang awrahan, magandang babae ang ide-date kasi mas mabango siya." Natatawang sabi ni Jelly. Tumawa siya. "Parang sinabi mo na nakadepende sa bango ko kung gaano kaganda ang ide-date ko ha?" Tsaka siya lumapit at umupo muna sa single sofa. Tutal maaga pa naman. "Parang ganun na nga po kuya," sang ayon pa ni Jelly. "Aba ey sino nanaman ba yang nabiktima mo? Magkaka apo na ba ako diyan?" Nagniningning ang mga mata ng kanyang ina. Hindi siya agad nakasagot. Magkaka apo? Magkaka anak sila ni amara? Not a bad idea. Pero wala pa sa loob niya. "Mama, anak nanaman? Kikilalanin muna namin ang isa't isa." Nakangisi niyang turan sa ina. "Kawawang babae, magkakaroon ng bilang sa mga collection mo." Si claudeth na pina-ikot ang mga mata. "Naku, Marcus huwag na huwag mong gagayahin yang trip ng kuya mo. Hindi maganda," sabi ng ina niya. Natawa siya at tumayo na. "Aalis na ako, nakita niyo nanaman ako. Bye girls." Nagsihalikan sa pisngi niya ang mga ito. Wala ang ama niya, Golf day nito ngayon. Mabilis na siyang lumabas ng mansion at umalis na. ---------------------------------------------------- ------------------------------------------------------------------ Naghintay siya sa harap ng mga Ferrer. Tinawagan niya si Ezrael at sinabing palabasin si Amara. Bumukas ang gate pero hindi si Amara lang ang lumabas mula doon. Kasama nito ang dalawang katrabaho na babae. Ayaw man niyang isipin na kasama ang mga ito, pero ganoon ang nakikita niya dahil bihis na bihis din ang mga ito. Napatingin siya kay Amara na, napaka simple sa jeans at pink na blouse. Naka flats lang din ito at nakalugay ang mahaba at may pagka natural na brown na buhok. Walang ni kahit anong kolorete sa mukha pero tingkad ang kagandahang taglay. Ngumiti ito sa kanya na nagpapa lukso sa puso niya sa hindi mawaring dahilan. "Isinama ko sila, tutal friendly date lang naman diba? " -Amara Gustong malaglag ng panga niya, pero pinilit niyang ngumiti. Tila nabasag na baso ang mga naiimagine niya kaninang romantic scene nila at solo moment. "Okay lang ba?" Tila nag alangan ang mukha ni Amara. Nataranta siya. "Ofcourse, Mimosa. Tara na?" Pinagbukas niya ng pinto ang mga ito. Bago siya sumakay wala sa loob na napatingala siya sa may terrace kung saan naroon ang kwarto ni Ezrael. Naroon ang binata na halos humagalpak ng tawa. "Two points for Amara." Senyas ni Ezrael sa kanya. Itinaas niya ang kanang kamay at nag dirty finger sign siya sa kaibigan na tatawa tawa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD