Ipinatawag siya sa opisina kinabukasan. May inilapag na brown na envelope sa kanyang harapan si Mother Superiora. Tinitigan niya lamang iyon, at naguguluhan na napatingin sa madre. Nakita niyang ngumiti ito. She urged her to open the envelope. She did. Ang laman nun ay mga larawan ng isang sangol at birth certificate, nanlaki ang mata niya at namutla, kasabay ng panlalamig nang mabasa ang pangalan na naroon. CALLIE AMARA BROOKLYN. May namumuo na sa kanyang isip, marahan siyang napaupo sa upuan na nasa harapan ng lamesa ni Mother superiora. Titig na titig pa din ang dalaga sa papel. "A-ano ho ang ibig sabihin nito?" Aniya na naguguluhan. "Makinig ka sa sasabihin ko hija." Hindi siya nakasagot. "Nang araw na dumating ka, iyon din ang araw na may nagpunta ditong isang abogado. Abogado n

