Mailap ang mga mata ni Amara, habang nasa hapag kainan kasalo ang pamilya ni Jexel. Pero napapansin niya ang mga pangiti ngiti ni Jexel sa kanya. Tila ba ito ay sayang saya sa mga nangyayari. Muntik na talaga kanina, muntik na siyang mahalikan ng binata. "Baka magka apo na tayo niyan, Ricardo." Baling ni Mrs Mondragon sa asawa na tahimik na sumusubo ng pagkain. Napatingin si Mr. Mondragon sa esposa. "Talaga ba?" Anito. Biglang bumaling sa kanya ang ina ni Jexel. "Hindi ba, Amara?" Anito na muntik na niyang ikasamid. Nakita niya ang pinipigilang pagtawa ni Jexel. "P-po?" Sabi niya na nauutal. "Huwag kang mag alala hija, open minded naman kami. Kahit magka apo kami sa inyo ni Jexel bago ang kasal, we don't mind. In fact, the best gift for us ang ganoon," ngiting ngiting sabi nito.

