"Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, along with all malice. Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you." - Ephesians 4:31-32 Parang may kung anong pumiga sa puso ni Amara nang mabasa ang nilalaman ng sulat na iyon ni Mother superiora. Isang verse lamang, at hindi niya alam kung bakit ipinadala nito iyon. Marahil siguro nakakatunog ang madre sa galit niya bago niya nilisan ang kumbento. The verse it's about forgiving and letting go, pero hindi niya ma-i-apply sa sarili niya sa ngayon. Marahan niyang itinupi ang sulat at itinago iyon sa drawer na malapit sa kanyang kama. Madaling sabihin ng iba na kailangan magpatawad, pero kapag ikaw ang nasa sitwasyon at naranasan ang sakit na naranasan niya,

