Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Hindi naman ako ang naghahanap ng textmate," sambit ko na. Para maliwanagan na siya. Napa 'o' ang kanyang bibig at pumasyok siya. "Then who? Bakit ba kasi ikaw ang nagtatanong?" paninisi niya pa sa akin. "Si Precy. Iyong friend ko. Iyong lagi kong kasama. Gusto niya ng textmate kaya pinaghahanap ko siya. Ano? Meron bang available?" Napakamot siya sa kanyang batok at natawa. Natawa siguro sa mga pinagsasabi niya kanina. "Siya lang ba ang naghahanap. Dapat dalawa pa. Para walang mabakante sa mga kabarkada ko. Tignan ko lang kung makakahirit pa sa'yo," bulong-bulong na naman niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinakma ang kanyang nakangusong bibig. "Aray naman, Shin. Bakit ba? Gusto mo bang halikan? Bawal pa uy. Bata ka pa." At ni-cross niya pa

