Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Hindi nagtagal ang halikan namin dahil agad niya rin akong inihiwalay sa kanya. Tumitig siya sa akin nang malalim at walang imik. Bumakas ang lungkot sa aking mga mata dahil doon. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. It's okay. I can endure this. Basta't sa huli ay papatawarin niya ako. Umayos ako ng tayo at tumikhim. "Nakapagpahinga ka na ba?" tanong ko. Pambasag na rin sa katahimikan. Nanatili ang mga mata niya sa akin. Hindi sumasagot. "Pag ba bumalik na tayo sa Pilipinas ay hindi mo na ako iiwan?" tanong niya sa akin. Ang boses niya ay mahina ngunit dinig na dinig ang pagsusumamo. Mabilis akong tumango. "I will not do that again." Napatango siya ng maliit at tumalikod na sa akin. Dumiretso siya sa may sofa at kinuha ang phone niyang nakapatong doon. Umi

