Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Who?" mahina kong tanong pagkatapos uminom ng ice tea. Napalunok siya. "I think you really need to go back, Shinoeh." "Bakit, Skyler? Sino ba ang sinasabi mo?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang hindi pagiging kumportable. Malamang ay iniisip niya kung sino talaga iyon. "You said that she is just so close to Brent." I nod my head to what he said. Napadila siya sa kanyang labi. "Pagkatapos nating magkita at mag-usap noong isang araw ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay talagang alam ko kung sino. I just can't figure it out." Napakunot ang noo ko. "Sino ang nasa isipan mo?" "Yuria." One word but everything in my system really got tensioned. Napatawa ako ng walang laman at napapiling. "Imposible, Skyler. Siya ang nag-sabi sa akin tungkol sa babaeng o

