Chapter 25: Sorry and lips

2045 Words

Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Nagpatuloy ang hindi ko pagpansin sa kanya. Pinanindigan ko talaga ang sinabi kong mga kataga. Isipin mo iyon, lumipas ang isang linggo at tatlong araw na hindi ko siya kinakausap. Napapadalas din nga ang pagpunta nina Mama sa kanila. Madalas na nag-iimbita si Tita Josefa. Laking pasalamat ko nga na hindi naiisipan ni Mama na yayahin sila rito. At sana nga ay hindi mangyari iyon. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad papunta sa may cafeteria. Vacant namin kaya naisipan kong magmeryenda na. Gusto ko ng turon. Nanood ako ng mukbang kagabi kaya naman nag-crave ako. Pagkarating doon ay kaunti lang ang mga tao. Halos kasi ay may klase pa. Dumiretso na ako sa nagtitinda. "Dalawang turon po, Aling Tes." Saka ako ngumiti sa kanya. Kumuha na siya ng pambalot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD