Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Siya naman ngayon ang lumalangoy at ako naman ang nanonood sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha kapag umaahon. Kitang-kita ko rin ang pag-flex ng kanyang muscles. Ang tigas kahit sa paningin lang. Nang tuluyan na siyang umahon ay napanganga ako habang inaayos niya ang kanyang buhok. Napaka perfect ng pagkakahawi niyon mula sa tubig. Isang malaking sana all. Madalas kasi kapag ako ay buhaghag ang buhok. Hindi pang picture ang peg. Ang sa kanya ay pang model na pang model. He was really born to be a star. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya. Sinalubong ko siya at ini abot iyon sa kanya. "Hindi ka pa ba lalangoy?" tanong niya sa akin habang busy siya sa pagpunas sa kanyang buhok. "Ahm..." Napalunok ako nang punasan na niya

