Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ko nang masuot ang damit na kinuha ko nalang bigla dahil sa pagmamadali.
"I'm done," usal ko at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.
Humarap na siya sa akin. Napaawang ang kanyang bibig kaya naman agad akong nagtaka.
Doon ko lang napansin ang suot kong damit. Tama ang nakuha kong underwear. Tama ang nakuha kong short. Pero ang damit ay hindi sa akin.
Sa kanya iyon. Kulay itim na t-shirt. May maliit lang na check sa gitna.
Malaki iyon sa akin. Nalagpasan na ang suot kong pang-ibaba. Kaya tuloy nagmukhang wala akong suot doon.
"Ahm... mali ang nakuha ko. Papalitan ko na lang," nag-aalinlangan ko pang sambit. Pinalis ko ang mga kamay ko. "Tumalikod ka ulit," saad ko.
Namulsa siya at nagkibit balikat lamang sa akin.
"Brent," mariin kong sambit sa pangalan niya.
"Nothing is wrong with you wearing my shirt. Huwag ka nang magpalit. Bagay mo naman," casual niya pang sambit.
Sa akin lang ba big deal ito?
Gosh! Amoy na amoy ko siya sa damit niya. Parang manunuot iyon sa aking buong kaibuturan.
"But I can-" nagsasalita pa ako ang kaso ay nakalapit na siya sa akin. Pinatigil niya ang bibig ko gamit ng kanyang hintuturo.
"That's fine, Baby." At kinintilan niya pa ako ng mabilis na halik sa gilid ng aking labi.
Napasinghap ako. Grabe talaga ang nabibigay niyang epekto sa akin.
Maghunos-dili ka, Shinoeh Weanne. Tatakas ka pa hindi ba?
Napangisi siya sa reaction ko. "I will wash up now. Sayang at hindi mo ako isinabay," pangongonsensya niya pa.
Lumabas na siya at sumunod na ako. Tumigil siya sandali sa harapan ng pintuan ng banyo at bumaling sa akin.
"Give the robe to me later. Para siguradong nariyan ka pa," utas niya at tuluyan nang pumasok.
Tinitigan ko lang ang pintuan ng ilang sandali. Bumalik ako sa may walk in closet niya at kinuha ang roba na nakasabit doon.
Medyo mabasa pa iyon dahil kakagamit ko nga lang.
Isinampay ko ito sa aking kamay at pumunta muna sa may vanity mirror.
Binuksan ko ang drawer at kinuha ang brush.
Narinig ko na nga ang lagaslas ng tubig.
Napapikit ako ng mariin nang may dumaan sa isipan ko.
Paano nga kaya kung nagsabay kaming maligo?
"Stop it," bawal ko sa sarili ko.
Nagiging mahalay na yata ako sa part na iyon.
Pero isipin ko pa lang na mahahawakan ko ang abs niya ay parang nag-iinit na ako.
"Damn." Napapiling ako at napatawa na lang ng mahina.
Hanggang imagination ka lang, self. Malabo naman kasing mangyari talaga iyon.
"Baby," tawag niya sa akin pagkaraan ng mga minuto. Malalim ang boses niya kaya naman tinaasan pa ako ng balahibo dahil doon.
Tumayo na ako at kumatok sa pintuan. Agad akong tumalikod nang buksan na niya iyon.
"Kunin mo na," saad ko at ipinaskil na lang kahit saan ang twalya.
Mukhang matigas pa ang nahawakan ko at sigurado akong dibdib niya iyon.
I heard him let out a chuckle before closing the door again.
Napapaypay ako sa aking sarili. Napaka-hot talaga sa mansion na ito.
Napakagat ako sa aking labi nang siya naman ang lumabas na naka-roba lang. Kanina ay ako ang may suot niyon. Pero ngayon ay siya na ang nakasuot niyon at hapit na hapit sa kanyang katawan. Kitang kita ang ganda ng kanyang katawan.
Napakurap ako at mabilis na naglakad pabalik sa may vanity mirror. Kahit tapos nang magsuklay ay nagsuklay ako ulit para kunwari busy.
Mabilis lang siyang nakapagbihis. Nakasuot siya ng plain white t-shirt at jersey short. Sa simpleng get up niya ay parang nasa spot light pa rin siya. Pwede pang isabak sa red carpet.
Kaya tuloy hindi ko na naman napigilan ang mga mata kong tumitig sa kanya.
Feeling ko ay ako ang pinaka-representation ng isang avid fan kapag nakikita ang idol nila. Lalo na kapag nasa malapitan lamang ito.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Gamit ang kanyang mga daliri ay swabe niyang sinuklay ang kanyang buhok. Kulay itim ito ngayon. Minsan kasi ay nagpapakulay siya lalo na kapag comeback niya.
"You look nice with black hair," usal ko.
Bumaling siya sa akin. "Really? Hindi ko ba bagay ang ibang kulay na buhok?" Pagtatanong niya.
May isa pang upuan kaya naman hinila niya iyon at tumabi sa akin.
Kinuha ko ang lotion at naglagay sa aking kamay. "Bagay mo naman. Lalo na iyong kulay dark blue," utas ko at nagbusy-busyhan sa paglalagay ng lotion.
Pero sa totoo lang ay tinitignan ko ang kanyang reaksyon.
Napatango siya at napangisi.
Totoo naman kasi. Nagkulay red, ash blonde, at ano pa man na kulay sa buhok niya. Pero ang pinaka tumatak sa isipan ko ay iyong dark blue. Hindi naman masyadong kita iyon. May pagka black, pero kapag nasinagan ng ilaw ay makikita ang kulay asul.
Bagay na bagay sa kulay ng kanyang balat. Mas nagdepina pa ang kanyang pagkagwapo. Hula ko nga ay may mga nahimatay pang fan noong nakita nilang ganoon na ang kulay ng buhok niya.
"Do you want me to color my hair like that again?" lumambing ang boses niya.
At syempre. Ako naman ay kinilig. Pero hindi ko iyon pinahalata. "Bakit? Gusto mo ba?"
Gusto ko sanang ipasok iyong concert niya. Ang kaso ay nag-iingat ako sa mga salitang sasabihin ko.
Baka isipin niya kasi ay gusto ko na namang umuwi na. Baka mag-iba na naman ang mood.
"I can give all your whims, Baby. Pero sa isang bagay lang kita hindi mapagbibigyan," seryoso niyang utas. "Sa dalawang bagay pala," dagdag niya.
Tumingin ako ng diresto sa kanyang mga mata. Mukhang nakuha niya iyon.
Itinaas niya ang isa niyang kamay. Ang palad niya ay dumapo sa aking pisngi. He caressed my face.
Dumiin ang pagkakalapat ng kanyang hinalalaki sa aking labi. "Ang iwan ako ulit at ang makahanap ka ng ibang lalaki," mas lumalim pa ang kanyang boses at mas lalo akong nangilabot.
Hindi ko tuloy alam ang aking sasabihin. I did not expect him to say that.
Kung wala lang siya sa aking tabi malamang ay napahawak na ako sa aking dibdib at binawal na naman ang aking sarili.
Hinaplos niya pang muli ang aking labi bago ito binitawan.
"You want to roam around, right?" pag-iiba niya ng topic.
Tumango ako. "Tomorrow?"
He nod his head. "Let sleep early tonight. Maaga tayong gigising para maabutan pa natin iyong..." hindi ko na narinig ang dulo dahil naging mahina na ang boses niya. Pabulong na lamang.
Bumaba kami sa may kusina at nagluto ulit. Pero ngayon ay magkasama kaming nagluluto, ako ang nanghihiwa sa mga sangkap at siya naman ang naglalagay niyon sa niluluto.
Sa totoo lang. Sa ganitong kasimpleng gawain at pagsasama namin ay nararamdaman ko ang pagiging kuntento ng aking puso. Mas nahuhulog ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinagkainan ay nagtungo kami sa may veranda.
Malamig ang simoy ng hangin. Nakarinig ako nang lagaslas ng tubig kaya naman napintig ang pandinig ko.
May malapit bang dagat dito?
Bumaling ako sa kanya. "May dagat dito?" pagtatanong ko.
Dahil hindi pa ako nakakalabas sa may mansyon ay hindi ko alam iyon.
Pumalupot ang kamay niya sa aking bewang. "You'll see tomorrow," bagkus ay sagot niya.
Kahit na nakakulong ako sa kanyang bisig ay nagawa ko pa ring umikot. Nakatalikod na ako ngayon sa kanya.
Itinaas ko ang isang kong kamay. I let out a three sign on my fingers. Tinagilid ko iyon at sinilip ang buwan gamit ang maliit na bilog sa aking daliri.
"You are still fond of doing that," he whispered.
Bumaling ako sa kanya at nakasalubong ko ang kanyang mukha. Nagbanggahan pa ang tungki ng mga ilong namin.
"You know how I love the moon," I said.
Tumango siya. "Yes. We used to watch it together," mahina niyang saad. Naramdaman ko pa ang lungkot sa kanyang tinig. Siya naman ngayon ang tumingala upang mapagmasdan ang buwan.
Tahimik lang kaming dalawa. Pero napaka-peaceful ng pakiramdam.
Ang tanging ingay lang ay ang ingay ng paligid.
Mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin at pareho kaming nakatingin sa buwan.
Kinabukasan maaga pa lang ay gising na kami.
Siya ang gumising sa akin. Nakasuot na siya ng kulay puti ring sambra.
Pinabayaan muna niya akong maghilamos at pagkatapos ko ay ini-abot niya sa akin ang kulay itim na sambra. Pambabae iyo at alam kong para sa akin talaga.
Dahil malamig pa ang simoy ng hangin ay mahigpit akong napahawak sa aking katawan.
Pagkalabas namin ng masyon ay may garden pa pala. Ito iyong nakikita ko mula sa bintana sa itaas. Malawak iyon at malayo pa sa mismong labasan.
Pagkalabas ay roon ko nga nakita ang dagat. Sinalubong ako ng buhangin at lagaslas ng tubig. Napakasarap sa pandinig niyon.
"Bakit napakaaga naman yata nating lumabas?" pagtatanong ko. Medyo may kadiliman pa kasi.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa may tabing dagat. Pinaalis niya ang suot kong tsinelas at ginawa iyon bilang upuan ko.
"I know that you also want to watch it too. I know that you love the sunset as much as you love the moon," he said and smiled at me.
Bumakas ang malaking ngiti sa aking mukha. Hindi nga kalaunan ay nakita ko na ang pagtaas ng araw. Ang kahel nitong kulay ay sumilay na.
"I love it," utas ko habang sa araw pa rin nakatingin.
Ramdam ko ang titig niya sa akin. "Yeah I love..." hindi ko narinig ang sinabi niya sa dulo. Kaya naman baka tinutukoy niya rin ang araw.
"Can we watch it always?" excited kong tanong.
Pero nabitin din ang aking ngiti. Paano nga ba namin magagawa iyon kung aalis din naman ako.
At alam kong napansin niya ang naging reaksyon ko kaya naman kumunot ang kanyang noo.
Mabilis akong ngumiti ulit para hindi na siya mag-isip pa ng kung anong konklusyon.
"Thank you for letting me do this," buong puso kong sambit.
Matagal-tagal na rin kasi mula noong huli kong mapanood ang pagtaas ng araw. Hindi ko na kasi nabigyan iyon ng oras.
Saka madalang lang akong pumunta sa may beach. Tuwing may team building lang at hindi naman ako nagkakaroon ng pagkakataon na panoorin ang araw.
Magkasiklop pa rin ang kamay naming dalawa. Itinaas niya iyon.
"I hope that we can do this always," puno ng pag-asa ang kanyang boses.
Napatango ako. Ako rin naman ay gusto ko iyon. Gusto ng puso ko. Pero ang isipan ko ay tumututol. Marami kasing kalaban.
Bumalik na kami sa mansyon. Sa paglalakad namin pabalik, dahil may liwanag na ay nagawa kong kabisaduhin ang daan.
Meron naman sigurong napapadpad na mangingisda rito kaya pwede akong makisakay sa bangka kung sakali.
I want to stay. Pero buo ang loob ko na ayusin ang lahat.
Gusto ko siyang bumalik sa buhay kung saan talaga siya nababagay.
Pinaghirapan niya ang career niya kaya mas mainam na bumalik siya ng mas maaga bago pa ito tuluyang masira.