Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Doon na ako nagsimulang maniwala na totoo ngang nalimutan na niya ako. Maganda na ang kanyang career. Sikat na siya. Katulad nang sinabi ko noon, patuloy akong titingala sa kanya. At higit sa lahat ay mukhang may bago na siya. Hindi pa kumpirmado ngunit may saysay ang hinuha ng mga tao. Bagay nga naman talaga sila ni Yuria. Walang maipipintas sa kanilang dalawa. Kaya hindi talaga ako makapaniwala na ginawa ni Brent ito. Ang dakpin ako at ikulong sa isla kasama siya. At ngayon nga ay napadpad kami sa ganitong sitwasyon. Where I decided to let my heart speak and not my mind for the first time. "I still love you," I repeated. Ilang beses ko nang inulit iyon at tila hindi pa rin siya makapaniwala. Pagkatapos naming maghalikan ay napaawang ang kanyang bib

