Brent Jax Yarez's P.O.V. Pagkadating sa Batangas ay hindi ko na inabala ang kanyang tulog. Dinala ko na siya sa may kwarto at inilapag sa kama. Iniwan ko muna siya roon dahil nakatanggap ako ng mensahe. Nandito na pala ang barkada. Lingid sa kaalaman ni Shin ay may isa pang bahay rito. Sa may dulo pa iyon at nakatakip sa mga naglalakihang mga puno kaya naman hindi talaga halata. Gamit ang golf car ay nagtungo na ako roon. "Oh, Man. You are getting married huh," Flairx said as he fist bumped with me. Napapiling si Hanz. "Still Shinoeh. Tatag talaga ng puso mo." Then he laughed. Tumingin ako kay Diyon. Seryoso ito ngayon at nakatitig lang sa akin. "Why?" tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sayang. Balak ko pa naman sanang ligawan si Shinoeh kapag nakita ko siya ulit. Itatali mo na pala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


