LXV. Gael Chavez Simula bata pa lang ay wala na akong magulang. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta namulat na lang ang isip ko na nasa bahay ampunan na ako. Hindi ko kilala ang mga magulang ko kaya’t hindi ako nakaranas ng alaga ng sariling ina, hindi ko rin naranasan na tumira sa isang normal na bahay. Naging sentro ako ng bullying. Sobrang payat ko kasi at tahimik kaya lagi akong pinupuntirya ng ibang bata. Dahil sa nararanasan ay tumakas ako sa bahay ampunan, nagsimula akong manirahan sa lansangan. Nanlilimos ng barya at nagmamakaawa para sa kakarampot na pagkain, pero habang tumatagal ay nakakaisip ako ng mga bagay na pwede kong gawin. Upang makahanap ng pera sa mabulis na paraan, mabilis ngunit maduming paraan. Sa lansangan kung saan ako nagpalibot-libot. Ako ang parang nagi

