Pagkarating ko sa hotel room namin ay hindi pa rin gising si Kyle kaya ginising ko na siya para kumain ng binili ko para sa lunch namin. Hindi niya muna pinansin ang pagkain na hinanda ko bago siya gisingin, niyakap niya muna ako sa bewang habang nakadapa pa rin siya sa kama, ako naman ay nakaupo. “Where have you been?” His voice was low, i can feel his face on my lower back. “I bought clothes and foods,” sagot ko at hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa’kin. “Bangon na, it’s late so we need to eat.” Hindi siya kumibo ngunit maya-maya ay bumangon, sinundan ko siya ng tingin na pumasok sa banyo. Wala siyang suot na damit ngunit sanay na rin naman ako dahil lagi ko siyang nakikita na ganito, pagkalabas niya ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi. “You should h

