LXII. Pagkabukas ni Kyle nang pinto ay napahigpit agad ang pagkakahawak ko sa baril. Halos parang binaliktad ang HQ. Puro daing, baril, kalabog at mga sigawan ang maririnig sa paligid. I can see Monique fighting with Dianne malapit sa opisina, si King ay napapalibutan ng anim na securities. Halos lumilipad ang mga kutsilyo at bala ng baril sa paligid. Basag ang mga glass wall at wasak ang ibang computer screen. Tama nga si Kyle. This is unstoppable. Walang makakapigil nito hangga't may natitirang kalaban. "You can just escape here, Savanna. Hintayin mo kami sa labas." Ani Kyle sa tabi ko kaya umiling ako. "I'm not leaving you here." Sabi ko bago damputin ang isang nakabaliktad na upuan at ipalo sa isang security na nakapalibot kay King. Narinig ko ang pagmumura ni Kyle. "Plano ko ta

