fifty four

1189 Words
LIV. Nagdilat ako ng mata nang maramdaman ang sinag ng araw. Agad akong napapikit dahil kumirot ang namamagang mata ko. Wala pa yatang isang oras ang tulog ko. Kinausap ko ng kinausap sa tawag si Kyle hanggang alas kwatro ng madaling araw, para lang makasigurado ako na walang nangyayaring masama sa kanya. Na hindi siya pupuntahan ni Gael. Hindi ko sinabi kay Kyle na nalaman na ni Gael ang tungkol samin dahil baka puntahan niya na lang bigla ako dito at kunin. Magkakagulo ng sobra at lalo lang siyang mapapahamak. Literal na anim na oras yata kaming nag usap sa phone. Nagtataka si Kyle kung bakit dahil hindi naman ako gano'n, natutuwa nga ako sa sarili ko na napigilan ko ang pag iyak ko habang kausap ko siya. Pinagkuwento ko siya ng kung anu-ano para lang naririnig ko ang boses niya, hanggang sa nakatulog na lang siya bigla nung bandang alas kwatro na nung nagkukwento ako. Saka lang ako nakaiyak ng tahimik nung tanging pag-hinga niya lang at mahinang paghilik ang narinig ko. Nagmuni-muni muna ako dito sa kwarto at naligo. Kinakabahan akong lumabas dahil alam kong nando'n si ate Agnes, sinumbong ba ako ni Gael sa kanya? Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ko talaga alam. Kinakabahan na bumaba ako ng hagdan, nahagip ng mata ko si ate Agnes na nakaupo sa sofa. Busy siya sa phone niya pero napalingon siya sa'kin, binalot ako ng kaba nang maningkit ng parang pusa ang mata niya. Hanggang sa makalapit ako ay nakatingin pa rin siya sa'kin. Parang pinagmamasdan ang bawat pag hinga ko. "Vana." Blangko ang tono niya. Napayuko ako at pumikit, will she slap me? Or sasabunutan? Sasapakin? "Vana." Pag uulit niya, galit na ang tono. Nag-angat ako ng tingin kaya nagkatamaan kami ng mata, nakakunot ang noo niya. "A-ate Agnes.." Halos pumiyok ang boses ko. Hinawakan niya ako sa balikat kaya napasinghap ako. "Vana, why did you cry?" She asked softly, concerned. Nanlaki ang mata ko at napatitig sa kanya. Hindi niya pa alam! Hindi sinabi sa kanya ni Gael? Siguro dahil hindi pa sila nagkikita? "Namamaga ang mata mo." Ani ate Agnes. "Nag-away ba kayo ni Gael?" Mabilis akong umiling. "W-wala lang akong tulog.." "Why? Tapos papasok ka pa? Magpahinga ka na lang, sasabihin ko kay Gael na i-excuse ka." Ngumiti ako. "I'm okay, wala naman akong gagawin dito sa bahay." "Okay." She breathed deeply. "Hahatid na kita sa school." Pumayag na lang ako. Hindi ko maiwasan na mapalingon kay ate Agnes habang nagmamaneho siya, wala pa ba talaga siyang alam? Hindi ako makapaniwala na hindi pa nasasabi ni Gael sa kanya. Maybe later? "How's the mission?" Tanong niya nang mapansin niyang palingon-lingon ako sa kanya. Yumuko ako. "It's.. really hard." "I know." Mahina siyang tumawa. "Sabihin mo sa'kin kung hassle, aalisin na lang kita sa mission. Janine and Gael can handle it, or maybe just Gael?" "N-no! I want this mission!" Mabilis kong ni-wave ang kamay ko kaya nagulat siya ng konti. "Hmm, may bet kami ni Gael. Nag-uunahan kami sa pagkuha kay Vergara.." "Really?" She laughed. "That's unfair! Nobody in the agency can defeat him. Even me." Ngumuso ako. "I know. Baka nakipag-bet lang siya sa'kin para ganahan ako sa mission." "That makes sense.." Ngumiti siya at pinarada ang kotse niya sa tapat ng gate ng school namin ni Gael. Hinalikan ko siya sa pisnge at nagpaalam bago bumaba. Tumambay muna ako saglit sa waiting area dahil maaga pa masyado, gusto ko lang talaga umalis agad sa bahay dahil hindi na ako comfortable. Napalunok ako nang makita si Gael na naglalakad palapit sa'kin. Walang emosyon ang mukha niya, pero ngumiti siya nung may bumati sa kanya. Yumuko ako at itinuon ang mata sa libro na binabasa ko, nagpapanggap na hindi ko siya nakita. Nakita ko na lang ang tumigil na paa niya sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin kaya biglang kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. Ayaw niya na ba akong makita? "I-i'm sorry.. Ako na lang ang lalayo." Sabi ko at tumayo pero humakbang pa siya palapit kaya napaupo ulit ako. "Tinatanong kita kung bakit nandito ka," Yumuko siya para silipin ang mukha ko. "Wala ka bang klase?" Natigilan ako. Kumunot ang noo niya nang ang tagal kong hindi sumagot, umupo siya sa tabi ko at sumandal bago pumikit saka huminga ng malalim. Nakatitig lang ako sa kanya. Gael, anong iniisip mo? Hindi kita maintindihan. Nagdilat siya ng mata para tignan ako, pinatong niya ang siko niya sa tuhod niya at nagpangalumbaba. "Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya. "G-gael.." Parang may bara sa lalamunan ko. Bahagya siyang ngumuso nang marinig ang boses ko. "Nagugutom ka?" Tanong niya ulit. Walang emosyon ang mukha niya pero hindi galit ang tono niya. Yung tono na lagi niyang ginagamit kapag kausap niya ako ang naririnig ko. Nag iwas ako ng tingin. "Alam kong naaalala mo.. 'yung kagabi." Bumagsak ang mata niya sa sahig. Umayos siya ng upo at pinaglaruan ng daliri ang labi niya. Naramdaman ko na nag-iinit na naman ang mata ko. Savanna, calm down! Nasa school ka ngayon! Stop being so sensitive! Napakaiyakin. Narinig ko ang malalim niyang pag-hinga. "Anong oras ang klase mo?" Tanong niya. Napapikit na lang ako habang nakayuko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, magpapanggap na lang ba siya na hindi niya kami nakita kagabi? Bakit ganito pa rin ang pakikitungo niya sa'kin? Bakit umaakto siya ng parang wala lang? Lalong bumibigat ang loob ko dahil sa ginagawa niya. Napalingon ako sa kanya nang tumayo siya. "Kailangan ko nang magpunta sa klase ko.." Aniya bago tumalikod at naglakad palayo. Pinunasan ko ang may luha nang mata ko at huminga ng malalim saka tumayo na rin para magpunta sa klase ko. Wala akong ginawa buong klase kundi maging tulala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang ayoko na lang gumalaw para wala na akong magawang masama at wala nang maging problema. Gusto ko na lang maglaho para wala nang masaktan at magalit. Parang pinipiga ang puso ko habang iniisip ang mga nangyayari. Kasalanan ko ang lahat nang 'to. Dapat namatay na lang ako. Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. Tumatawag si Kyle. Kinagat ko ang labi ko, nag sabi nga pala ako sa kanya na pupunta ako sa apartment pagkatapos ng klase ko. Tinitigan ko lang 'yung screen hanggang sa mawala ang tawag. Nag-buntong hininga ako at pinatay ang phone ko. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD