Dinner Samar’s POV Habang nilalapag ko ang mga pagkaing hinanda namin para kay Tyron at kay Elisse na asawa nito ay nakaramdam ako ng yakap mula kay Eliazar. Nasa likod ko siya at marahan na dinadampian ng halik ang batok at leeg ko. “Anong oras ang dating nila?” tanong ko dito at muling inaayos ang puwesto ng vase na nasa gitna ng lamesa. “Don’t know,” he whispered on my ear. Humarap ako sa kanya dahilan para tumigil ito sa ginawa niya. He holds my waist and smiled at me. Hinawakan ko ang panga nito at tumingkayad para maabot ang nakaawang na labi niya. He wants to deepen the kiss but I automatically removed his hand on my cheek. Lumayo ako dito ng konti at nginitian siya ng matamis. “You’re not helping me,” I said and shook my head.

