SAMAR’S POV Hinila ako ni Eliazar patayo at naglakad kami habang hawak niya ang kamay ko. Malawak ang espasyo ng dalampasigan at napaganda ng buhangin mayroon dito. Tumigil siya sa paglalakad at umupo. Tinapik niya ang tabi niya kaya umupo ako sa tabi nito. “Masaya ka ba Samar?” Nakangiting tanong niya sa akin habang tinatanaw ang kalmadong dagat. “Oo naman Eliaz. Masaya ako lalo na at kasama ko kayo… ikaw.” Mahinang usal ko. Bumaling si Eliaz sa akin at hinawakan ang kanang pisngi ko. His touch was tender and melodious. “Pinapangako kong dadalhin kita dito.” Natawa ako sa sinabi niya ngunit ang mukha niya ay walang bahid na kahit anong humour. “Kahit hindi mo ako dalhin dito Eliaz, hindi kita iiwan.” Nakangiting sambit ko. “Kap

