SAMAR’S POV
"Bata pa kasi sila para seryosohin ang relationship. Tsaka feeling ko lang ah, hindi naman ganun kaseryoso si Eliaz kay Morgan." Opinyon ni Trice habang naglalakad kami papunta sa labas ng gate dahil nandun sina Eliaz at Tyron naghihintay sa amin.
"Hmmm. Sabagay. Pero perfect na sana sila. Pero sa tingin ko seryoso naman si Eliaz kaya lang hindi magwowork ang relasyon nila kung si Morgan ay nasa ibang bansa tapos si Eliaz ay nandito. Hindi lang yun, mahina ang internet dito sa bayan natin." Saad naman ni Devin kaya napatango ako. Tama siya.
"Sino ba ang nakipagbreak? Diba si Eliaz? Di yun seryoso." Pamimilit ni Trice sa teorya niya.
"Tahimik na kayo. Andiyan si Eliaz." Mahinang bulong ni Devin at nakita namin sila ni Tyron na naghihintay.
"Kanina pa ako text ng text sayo! Bulok na kami ni Eliazar kakahintay sa inyo!" Inis na salubong ni Tyron kay Trice kaya inirapan ito ni Trice at binangga bago naunang naglakad.
“Hah! Ikaw lang ang mukhang bulok Tyron.” Pang-aasar ni Trice.
"Kumain kami eh!" Depensa din naman ni Devin at sumunod kay Trice kaya naglakad na din kami.
"Baboy!" Inis na saad pa ni Tyron kaya napailing na lang ako. Narinig ko ang reklamo nina Trice at Devin kay Tyron.
"Hoy! May kasama kayo, wag nga kayong mang-iwan! Hinintay namin kayo ni Eliaz tapos mang-iiwan kayo?!" Galit na sambit ni Tyron at hinabol ang dalawa tsaka hinawakan ang strap ng bag para tumigil.
Narinig ko na lang ang mahinang tawa ni Eliaz at pag-iling. Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya, okay lang siya o wala lang. He opens up about their break up na parang okay lang, na parang tanggap niya. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang nararamdaman niya dahil baka mamaya ay may kinikimkim pala siyang sakit sa dibdib niya. Pero mukhang okay naman siya dahil siya pa nga ang nakipaghiwalay.
"Hindi kaba.. Nasasaktan? Umalis na si Morgan diba??" Nag-aalinlangang tanong ko sa kanya kaya natigilan siya at tila nag-isip.
"Oo. Masakit pero hindi pa naman ganun kalalim yung nararamdaman ko kay Morgan kaya okay lang." Ngiting saad niya kaya napatango na lang ako at ngumiti din pabalik.”Tsaka bata pa ako Samar. Bata pa kami para seryosohin ang ganung bagay.” Dagdag niya.
"Hoy! Bilisan niyo nga maglakad! Dinaig niyo pa yung nagdidate na magsyota eh." Pang-aasar ni Tyron kaya napasimangot ako at napalingon naman sina Trice at Devin sa amin para tignan kami.
"Tara Baby." Sakay ni Eliaz sa biro ni Tyron at hinawakan ang kamay ko.
"Yieeeeeeee. Baka kayo magkatuluyan ah!" Biro ni Trice kaya natatawang tinulak ko si Eliaz at tumakbo kina Tyron.
(End of Flashback)
“Ma’am! Ano? Tulala sa rosas ni Sir Frank?” Napatingin ako kay Vivian na nakatingin din sa akin. Binalik ko ang hawak kong bulaklak sa kanya.
“Ikaw na ang bahalang magsara nito kung gusto mo ng umuwi. May pupuntahan lang ako at baka sa susunod na araw na ako pumasok. I’m also going to attend a party from a.. friend.” Wala sa sariling saad ko kaya napataas ng dalawang kilay si Vivian dahil siguro ay nawiwirduhan na sa akin.
Napatingin ako sa wristwatch ko at naalala ko bigla na may pupuntahan pa pala ako ngayon.
“Ah. Okay lang Ma’am, basta kapag may customer ay agad kong ipapaalam sayo.” Ngiting saad ni Vivian pero peke na lang akong natawa. Ewan ko lang kung magkakaroon pa kami ng customer.
Nagpara ako ng taxi ay sinabi sa driver ang lugar na pupuntahan ko. Matapos tumigil ang taxi ay agad akong lumabas at sumalubong sa akin si Devin sa may entrance ng mall kasama nito si Trice na kanina pa ata naiinip.
“s**t Samar!” Bulalas agad ni Devin sa akin suot ang isang magarang damit nito. “You’ve got the invitation right? Walanghiya Engineer na pala yun si Eliazar? Ang daya! Hindi man lang tayo nainfrom after he left at bigla na lang naglaho na parang bula.” Hindi makapaniwalang usal ni Devin habang si Trice naman ay pinipigilan siya dahil sa ingay nito.
“Pumasok muna tayo sa isang fastfood o kaya shop. Basta yung tahimik.” Suhestiyon ni Trice kaya agad naman kaming naglakad para humanap ng tahimik na lugar.
(Flasback 14 Years Ago)
Date: August 24, 2007
Time: 8:15 AM
"Hi, Kaylee." Malanding saad ni Tyron sa classmate naming na babae na paminsan-minsan ay laging nag-iisa.
"Ang landi mo Tyron. Di yan papatol sayo, si Eliaz ang type niyan hindi ikaw." Pang-aasar ni Trice kay Tyron. Nakita kong namula si Kaylee kaya napatingin ako kay Eliaz na katabi ko. Ngumisi lang ito at parang sanay na itong marinig yun. Halos lahat alam na gustong-gusto ni Kaylee si Eliaz at baliwala lang ito kay Eliaz.
Nakita ko ang panay sulyap ni Kaylee kay Eliaz.
"Bakit? May sinabi ba akong type ko si Kaylee? Hahahaha." Natatawang saad ni Tyron kaya binato naman siya ni Devin ng papel dahil sa lumabas sa bibig nito. Dumating bigla si Ma'am kaya agad na bumalik si Tyron sa upuan niya sa likod namin ni Drix at sina Trice at Devin ay nasa harap naman namin. Hindi na nauso ang seating arrangement sa Highschool pero magkatabi pa din kami ni Eliaz dahil yun na ang kinasanayan naming noon pa man.
"May bago kayong kaklase." Salubong agad ni Ma'am sa amin, napatingin kami sa babaeng katabi ni Ma’am na maputi at matangkad. Girly siya at sobrang maayos. Ang neatness niyang tignan dahil kompleto ang porma niya. May suot siyang relo, hikaw, kwintas at nakalipgloss pa ata. Para siyang model, yung ganun.
"Chicks Eliaz! Type ko." Bulong ni Tyron kaya pinalo ko siya ng notebook ko.
"Tapos kapag nagsawa ka iiwan mo!" Mariing bulong ko pabalik kay Tyron.
"Good morning. I'm Bianca Satrix from Batangas." Pakilala nito at tipid na ngumiti.
Pinaupo na siya ni Ma'am at tsaka nagdiscuss sa bagong topic namin. Napasulyap ako kay Eliazar, ganito ang mga type niya. Katulad kay Morgan, ganitong-ganito sa bagong transfer sa amin. Pero ng tignan ko siya ay mataman siyang nakikinig kay Ma'am at hindi man lang sinulyapan yung Bianca. Baka hindi naman niya gusto, dahil kung gusto niya yun ay sasabihin niya agad sa akin na type niya si Bianca.
Nagulat ako nung recess namin ay lumapit sa amin si Tyron kasama si Bianca.
"Samahan muna natin si Bianca. Wala pa siyang kakilala." Tumango naman kami at nagpakilala kay Bianca.
Mukhang type nga ni Tyron si Bianca, si Tyron kasi kapag type o gusto niya ang isang babae ay gusto niya yan kahit ano pa ang mangyari tapos kapag nakilala na niya at nagsawa na ay tsaka naman niya ito iiwan. Ganun si Tyron, kaya walang tumatagal sa kanyang babae ay dahil magiging sila muna bago niya kikilalanin.
Nang makarating kami ng canteen ay kanya-kanya ng order, si Eliaz ay nag-order na ng para sa akin pero syempre hindi niya libre. Siya lang nag-order ako pa rin ang babayad ng kakainin ko.
"Ahm.. Sorry hindi kasi ako kumakain ng karne." Nahihiyang saad ni Bianca ng ibaba ni Tyron ang pagkaing binili niya para kay Bianca.
"Huh? Bakit? Allergy kaba?" Tanong ni Tyron. Si Eliazar naman ay tumabi na sa akin matapis mag-order at si Devin ay nasa tabi ko tapos sina Bianca, Tyron at Trice ang nasa harap namin.
"Hindi. Vegetarian ako, cheerleader kasi ako sa dating school ko. So I need to maintain the fitness in my body." Proud na saad nito. Nakita ko ang pag-irap ni Trice at pagkatahimik ni Devin. Ayaw nila ng maarte kaya sigurado akong hindi na nila gusto ang Bianca na ito.
Siniko ako ni Eliazar na kanina pa kumakain.
"Ano? Susubuan pa kita?" Seryosong tanong nito dahil hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. "O baka naman vegetarian ka din." Biro nito at nagtawanan sila ni Tyron kaya sinapak ko siya sa braso.
"Sige. Bibilhan na lang kita ng bago." Saad ni Tyron at binigay kay Trice yung pagkaing binili niya para kay Bianca. "Sayo na yan, alam kong kulang pa ang isang order ng pagkain sayo." mas lalo lang nabadtrip si Trice at alam kong nagtitimpi na siya.
"No. I'm fine, busog pa naman ako eh." Nakangiting saad ni Bianca. "Tsaka hindi ako kumakain sa canteen. Hindi kasi ako sigurado kung malinis ba ang pagkain nila." Dagdag pa niya kaya natigil ang pagsubo ko sa hangin dahil sa sinabi niya.
Ngayon ay hindi ko na nagugustuhan ang ugali niya. Tahimik na lang kaming kumain, si Eliazar ay talagang tahimik naman yan pero kami nina Trice at Devin pati na din si Tyron ay maingay yan kapag ganitong sitwasyon pero hindi ngayon. Si Tyron ay kinakausap din paminsan-minsan si Bianca.
"Mag-on kayo?" Tanong bigla ni Bianca sa amin ni Eliazar kaya agad akong umiling.
"Hindi." sagot ko.
"Wow! Sweet niyo naman." Nakangiting saad niya kay Eliazar. "Sana may ganyan din akong kaibigan." Titig na titig siya kay Eliazar habang kumakain ito kaya sinulyapan ko din si Eliaz kung nahahalata niya ba ang kakaibang tingin ni Bianca pero tahimik lang siyang kumakain at hindi man lang sinulyapan si Bianca.
Then it hits me, si Eliazar ang type nito hindi si Tyron. Hanggang sa lumipas ang araw at uwian na namin. Hindi namin alam kung bakit kaming tatlo na lang ang magkakasamang umuwi.
"Ano bang sabi sayo ni Tyron at hindi sila sumabay sa atin?" Inis na tanong ni Trice.
"Ang sabi niya magbabasketball pa sila ni Eliazar kaya mauna na daw tayong umuwi." Sagot naman ni Devin.
"Sinasama naman nila tayo kapag nagbabasketball sila diba? Tapos ngayon hindi na." Halata sa mukha ni Trice ang inis habang sinasabi yun. Tatlong araw na din kasi na hindi kami nagsasabay kapag uwian.
"Narinig ko kay Eliaz na si Bianca na daw ang bagong cheerleader. Alam niyo naman diba? Varsity yung dalawa at alam din ni Tyron na mainit ang dugo natin kay Bianca kaya siguro hindi na nila tayo sinasama." Paliwanag ko na mas kinainis nilang dalawa.
"Bakit pati si Eliaz kasama sa kanila?" Takang tanong ni Devin.
"Syempreee. Buntot ni Eliaz si Tyron." Saad naman ni Trice. "Kain muna tayo." Tumigil kami sa kina Aling Silay para kumain ng street foods.
"Sampu sa akin na Kikiam." Saad ko kay Trice at binigay ko sa kanya ang pera.
"Ako din sampung Kikiam." Saad naman ni Trice at binigay kay Devin ang pera niya.
"Feeling ko si Eliazar talaga ang type ni Bianca. Ginagamit lang siguro nun si Tyron para mapalapit kay Eliaz. Feeling ko lang yan, hindi ako sigurado." Natigilan sila sa sinabi ko. Nagsimula na kaming maglakad habang kumakain.
"Talaga?? Tingin mo?" Gulat na saad ni Trice.
"Di ko napansin yun ah." Sambit naman ni Devin.
"Nagtext si Eliaz. Hinatayin mo daw siya Samar." Saad ni Trice at nagpaalam na sila dahil sa left way sila dadaan at sa right way naman kasi ang sa amin ni Eliaz. Habang kumakain ng kikiam ay hinihintay ko sa gilid si Eliaz.
"Samar!" Napalingon ako kay Eliaz na hinihingal.
"Tara na." Yun na lang ang tanging sinabi ko.
Hinila niya bigla ang bag ko kaya napalapit ako sa kanya.
"Ano ba Eliaz!" Gulat kong saad. Akala ko kasi matutumba ako pero mabilis naman niyang nahawakan ang baywang ko.
"Seryosong tanong Samar." Saad niya at pinaharap ako sa kanya. "Gusto mo bang magkaroon ng boyfriend? Nagpapaligaw ka ba?" Tanong niya.
"Okay ka lang? Bakit bigla mo yatang natanong yan." Natatawang saad ko.
"Sumagot ka na lang ng maayos." Naiinip nitong sambit kaya napasimangot ako at nag-isip.
"Gusto kong maranasan magkaroon ng boyfriend. Syempre yung lalaking mahal ko, gusto ko mahalin din ako. Pero yung totoo? Ayoko muna pumasok sa ganyang relasyon. Halos iyakan ni Mama ang isang pisong pera, kaya ayokong madissapoint siya sa akin. Gustong-gusto ko talagang makapagtapos at bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Kaya ako, no distractions muna." Saad ko sa kanya ng nakangiti at nakita kong natigilan siya at nag-iisip. “Dapat ganun ka Eliaz.” Dagdag ko sa kanya at tumawa ng mahina.
"Bakit hindi mo subukan? Matalino ka naman Samar." Sabi nito pero napailing lang ako.
"Kahit bobo ka, matalino, mayaman, may paninindigan, o ano pa man. Kokontrolin ka ng pag-ibig, pwedi itong maging dahilan ng pagkasira mo o pag-angat mo." Tumango na lang siya at hindi na nagsalita pa. “Tsaka ayokong sumugal, walang kasiguraduhan kong mabuti ba ang maidudulot ng pagboboyfriend sa akin.”
Lahat ng tao alam kung ano ang goal ko sa buhay. Yun ang maging mayaman. Makukuha mo ang respeto ng tao kapag may pera ka, yun ang nakikita ko na nangyayari ngayon. Money is the most vital thing in human life, yun ang observation ko. Based on real life experience. Kawawa ka kapag wala kang pera, katulad sa amin.
"Nililigawan ko si Bianca." Natigilan ako at napanganga sa biglang sinabi ni Eliazar, marahas ko siyang hinarap.
"A-ano?! Baliw ka ba Eliazar?! Nililigawan yun ni Tyron diba??" Bulalas ko at bigla akong nainis sa sinabi niya. Hindi ko alam pero galit na galit ako, hindi lang dahil may gusto doon si Tyron pero mayroon sa puso ko na bigla na lang nainis at nasaktan kaya binuhos ko na lang sa galit.
"Pinupormahan lang ni Tyron. Balak pa lang ligawan." Walang reaction nitong saad.
"Wow! Gusto mo bang masira ang pagkakaibigan niyo ni Tyron? Alam mo ba ang ginagawa mo Eliaz?" Ngayon ay hindi ko na napigilan ang galit ko sa kanya.
"Ako ang gusto ni Bianca hindi si Tyron." Nang sabihin niya yun ay doon ko nakumpirma ang hinala ko. Kawawang Tyron, nagamit ng isang babae.
"Bahala ka. Hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo." Inis kong saad at iniwan siya mag-isa.