Choose. Samar’s POV Tila nayanig ang mundo ko matapos marinig ang resulta ng DNA test, habang sa kabilang banda naman ay kita ang lubos na kasiyahan ng mag-ama. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga ngayon sa harap nilang lahat. Hindi din makagalaw si Eliazar sa tabi ko, gulat at pagkalito ang nasa mukha nito. Bago pa pumatak ang luha sa aking mga mata ay mabilis ko ng nilisan ang kuwarto. Habang mabilis ang lakad ko papuntang parking lot ay nanlalabo na ang paningin ko. Nang makarating ako sa parking lot ay bigla na lang akong hinila ni Eliaz at niyakap ng mahigpit. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko at napahagulhol ako. Parang isang bangungot ang lahat ng ito at gusto ko na lang magising. I tried to push him away but he is strong. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang sambit. “Let

