SAMAR’S POV Habang nag-iinuman sila ay panay ang ring ng cellphone ni Tyron, natigil sina Tyron at Eliaz sa pagkukuwnetuhan nung sagutin nito ang tawag. Hindi ko naman masyadong kinakausap si Eliazar pero naging casual naman ang pag-uusap namin, kapag nagtatanong siya ay tsaka lang ako sumasagot. Kadalasan ay sina Trice at Devin ang kausap ko. “May emergency.” Sambit ni Ty at napatingin sa akin. Tumayo siya tsaka lumapit sa harap ko. “Alis na tayo?” Halatang nagulat sila sa sinabi ni Ty. Syempre dahil hindi naman ganun kaprotective si Ty pagdating sa akin kaya laking gulat na lang nila na para bang lagi na lang nakabuntot si Tyron sa akin. Napatingin ako sa kanila, asking for their permission if I can go home with Ty. “Hooooy! Kakadating pa lang namin eh.” Reklamo ni Dev

