13th day. Samar’s POV “Hindi patay ang asawa ninyo Mrs. Valeza, kundi comatose. It’s a 50-50 chance that he’ll survive, ginawa namin ang lahat pero malakas ang natamong tama sa aksidenti nito,” pagpapaliwanag ng doctor. Kahit papano ay nabuhayan ako, pero naroon pa din ang pangamba at takot. “Nakuha namin sa bulsa ng jacket ng asawa ninyo,” iniabot sa akin ng doctor ang isang maliit na box na kulay pula. Nang makaupo ako ay binuksan ko ang box, unang tumambad sa akin ay isang mamahaling bracelet, may nakaukit doon na pangalan niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti, muli niya akong binigyan ng gamit katulad sa unang kwintas na binigay niya sa akin noon. Kwintas na may nakaukit din na pangalan niya. Tumulo na naman ang mga luha ko, kahit may ngiti sa

