Sobrang lakas ng ulan ngayong araw nato , malas na sa buhay pati ba naman sa ganitong sitwasyon ,
" kailangan ko makahanap ng permanenteng trabaho para makapag padala ako sa mga anak ko" sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa isang shed at nagpapatila ng ulan , pero wala akong choice kailngan ko sugurin yung ulan dahil mag gagabi na kaya tumakbo ako pero sa hindi inaasahan may sasakyang parating na masasagasaan ako , wala nakong nagawa kundi pumikit at hintayin nalang na sampalin nanaman ako ng kamalasan , natumba ako dahil sa takot .. at unti unting bumaba ang isang Gwapong anghel mula sa sasakyan , ( ganon talaga millennials na ngayon na naka kotse na yung anghel )
" Miss are you ok??"
Sabi ng lalake ,
pero ako nakatulala lang at walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko .
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong binuhat at doon nalang ako bumalik sa realidad.
" Ibaba moko san moko dadalin "
" You look Shock kaya dadalin kita sa Hospital at isa pa di ako pwede magtagal at baka may makakita sakin " saad nya
" Di na sir ok lang ako , wala akong pambayad sa ospital kaya kahit di ako ok di padin ako pupunta don , Nagasgasan koba yung sasakyan mo? pasensya na sir di ako tumitingin sa tinatawiran ko "
" no if you dont want to go to hospital , Sa bahay nalang . may sugat ka sa kamay at Siko mo kailngan yan magamot
" Nako sir malayo sa bituka yan , huhugasan ko lang yan taong Squatters ako sir lumaki kame sa bacteria"
" shut your mouth , and just get in my car "
Nagulat ako , Di sya galit pero ang sinungitan nya ako sa gulat ko napasakay nalang ako ng di oras sa sasakyan nya
Habang nasa daan kame , Pasimple ko syang tinitignan wala syang kaemoemosyon , at parang nakikilala ko sya nag iisip ako kunh san ko siya nakita .