Chapter 58 Romania

1344 Words

Chapter 58 MATAPOS, ang bangayan ni Remedios at ex-General Dinglasan. Pinaalis na ni General Toralba ang lalaki, ang dalaga naman ay agad niyang ipinadala sa clinic, upang masuri ng doctor. Bigla kasing nagkainitan ang dalawa kanina at parang masama ang epekto no’n kay Remedios. Dahil bigla na lang ito nahimatay. “Doc. Kumusta po ang pasyente?” nag-alalang tanong ni Michael sa doktorang naka-assign roon. Ngumiti ang doktora at saka pinilas ang papel na sinulatan. Iniabot iyon kay Michael. “Okay naman siya. Malusog at malakas, stress lang siguro kaya nagkagano’n siya kanina,” sagot ng doktora. “Iwasan n’yo muna ang bigyan siya ng masasamang balita galing sa labas at pinapayo ko rin na sana kahit isa lang man sa kasapi ng pamilya niya padalawin n’yo. Ngayon mas higit niyang kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD